Aktor, iiwan na rin ang kinagisnang network

SINO NAMAN itong aktor na nangangamoy ang kanyang paglipat mula sa kanyang mother network kung sakaling hindi na siya i-renew ng kontrata. Kung hindi kami nagkakamali, hanggang sa susunod na buwan na lamang ang kanyang contract at matatapos na ito.

Pero pinag-iisipan niya itong mabuti. Na kung sakaling mag per project na lamang ang i-offer sa kanya, baka iwan na muna niya ang kanyang nakagisnang network.

May project pa naman siya ngayon, pero baka ito na ang kanyang maging huli kung saka-sakali.

Well, abangan ang nalalapit na big decision ng aktor na bida sa ating blind item.

O knows n’yo na ba kung sino siya?

Clue? Marami siyang kapangalan sa showbiz…

By Fernan de Guzman

Previous articleYoung female star, dinedma lang ng mga tao isang event
Next articleMarlo Mortel at Janella Salvador, may sarili nang pelikula

No posts to display