Aktor, hada lang ang bayad sa manager bilang komisyon!

BLIND ITEM: NAALIW kami sa kuwentong ito. Kasi, merong manager-talent, para lang silang magkapatid. Pero noon pa ay may nangyari na sa kanila.

‘Eto ngayon, naniningil ng komisyon ang manager sa talent. Umabot na sa P150 thousand. Sabi nu’ng talent na aktor, “’Wag mo na lang kunin. Kung gusto mo, ___pain mo na lang uli ako para quits na tayo!

“Sige na, kailangang-kailangan ko ng pera, eh. Hindi ka naman naghihirap, eh. Ako, kailangan ko. Ang dami kong babayaran.”

Alam n’yo ba kung anong reaksiyon ng baklang manager?

“O, sige na nga. Madali naman akong kausap, eh. Kailan?”

“’Pag me time. Busy ngayon, eh!”

Hahahaha! Juice ko, hindi ko kinaya ang kuwentong ito. Nakakatawa!

‘Wag na kayong manghingi ng clue, ha? Hahaha!

KAHIT KELAN TALAGA, nakakatawa ‘tong si Mariel Rodriguez. ‘Yun bang kahit inookray na siya ay keri lang, tinatawanan na lang niya.

Tulad na lang ng kuwento niya sa amin kahapon sa dressing room ng Wowowee.

“Naku, ‘eto na, tinawagan ko si Tito Boy (Abunda, her manager). Sabi ko, ‘Tito Boy, ba’t hindi ako tinatawagan ni Kris (Aquino) for the campaign of Noynoy?

“Puwede ako. I have seven songs that I can sing. So, ito namang si Tito Boy, tumawag kay Kris, ‘Kris, why don’t you get Mariel for the campaign sortie of Noynoy? She has seven songs to perform?’

“’Eto na. Alam mo ba, tinawagan ako ni Tito Boy and told me, ‘Mariel, I told Kris to get you, but she told me, Boy, please tell Mariel to just wear a sexy outfit and not sing?’

“Hahahaha! Nakakalokah! Ba’t ba ayaw ng mga tao na kumanta ako, eh, okay naman ang voice ko? Pitong kanta na ang alam kong kantahin, sana man lang, pagbigyan ako!

“Kaya sa campaign mo, mare,” sey sa amin ni Mariel, dahil alam niyang tatakbo kaming Konsehal sa District 3 ng Quezon City, “Kakanta ako, ha?”

“Juice ko, mare, by all means, go!”

And what is nice about Mariel, walang bayad. Basta pakantahin lang daw namin siya. Hahaha! Oo naman. Hindi man bumilib sa boses niya ang mga constituents namin ay tiyak namang maaaliw sa tibay ng kanyang loob.

ANG AMING ANAK-ANAKANG si AJ Perez ay nangangailangan na naman ng inyong suporta. Simple lang ang kanyang hinihiling, baka type n’yo nang pagbigyan.

Meron kasing online voting ang Skin White. Bumisita lang kayo sa www.brandnewme.ph, magpa-register kayo at i-click n’yo lang ang AJ Perez at may one point na agad ang aming anak-anakan.

Sa mga “fans” namin (kung meron man), palambing naman ng isa n’yong boto para kay AJ, o?

‘Wag n’yong kakalimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama siyempre pa sina Ms. F., Fwend Rommel Placente at Daddy Eric.  ‘Yan ay kung type n’yo lang mag-enjoy. Kasi nga, nakakatawa naman talaga ang programang ‘yan, in fairness.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

10 thoughts on “Aktor, hada lang ang bayad sa manager bilang komisyon!

  1. Grabeh is that true c mariel ang papalit ke krissy then this is it hindi me manonood ng SNN dahil yung idol kong c krissy eh hindi ko mawatch at ipapalit pa itong 2ndhand na super gaya to the max ke krissy kasuya….

    U know mariel ok lang nman kung idol mo rin c krissy pero wag nman pati mannerism ni kris eh gaya to the max mo pati yung pagpoise ni krissy eh ginagaya mo ano ka walang SELF hehehe……

    Naku Boy Abunda sabihan mo c mariel na kung gusto niya maging kahil kalahati man ni kris pagdating s hosting eh imodulate niya yung boses niyang paos at boring na energy…………

  2. Just askin tito Ogie… Totoo bang may gagawing films sina Aling Dionesia, Pokwang, Melai at Kiray? How true ba to? Ultra secret pa raw kuno ito at kahit mga starer hindi pa alam. 100% blockbuster to, in case na totoo. TRULY NEW FACES OF THE PHIL. MOVIE INDUSTRY. Or char char lang to??,,. Si Melai daw partner si Bugoy, kaya MelaBug na. Sana totoo to. OverrRRRrr. ♫.♪♫..♪♫♫.

  3. Sipsip number one si Mariel. Hindi mo malaman kung kay Manny Villar siya o kay Noynoy. Sipsip siya ngayon kay Kris Aquino dahil wish niya na siya ang papalit bilang co-host nang SNN. Paborito siya ni Boy Abunda dahil si Boy ang manager niya. May commission sa talent fee si Boy, remember? Sana naman, kung hindi babalik si Kris sa SNN, huwag si Mariel na SIPSIP ang kunin. Mas marami pa riyan na may personality. Takot ba si Kris kay Gretchen B ? In my opinion, kung may impluwensiya si Kris sa desisyon na ito at kunin si Mariel, what’s stopping her from using her influence if Noynoy wins the elections, whether it’s wrong or right?

  4. blinditem me connect ba ke mariel yan ha kaya kahit wa kwenta ang story ke mariel eh dinikit mo so its zanjoe…

    c mariel feeling cute kapag pinipilit yung bakulak niyang boses ineng lalo ka tuloy namisinterpret na maldita kaya shut up na day!magpakikay ka s ibang area ok…

    dapat kasi hindi ka pinasok s PBB wrong move tuloy super nega ka s public……….

    • Ha ha ha! Korek ka diyan. Masakit sa tenga at mata pag nag papa cute na hindi naman cute. This woman is a brown noser.
      Kulang na lang halikan ang puwet ni Willie. Pansin ko rin, kawawa siya sa relationship nila ni Zanjoe. Parang siya ang laging nagbibigay. How low can you get.

      • Ganun! tama ka dyan lahat clang mga hosts s WOWOwie including yung director parang aso lang ni Willie yan mga tangasunod…walang paninindigan ewan ko ba ke Jonny Manahan nagpapaShunga ke willi eh cya yung boss nagiging circus tuloy na mga wlang K ang WOWOwie…

        PAti yung mga contestant epinagimpromtu na hosts porke type niya c Willie a classic DOM>>>>>>>Dirty MAniac HAHAHA…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.