Aktor, gigil na gigil kay Baron Geisler – Cristy Fermin

PLANTSADO NA ANG pagsososyo nina Willie Revillame at Senador Manny Villar sa building na nasimulan nang ipatayo ng aktor-TV host ilang buwan na ang nakararaan.

Magkasunod silang nagpirmahan ng MOU (Memorandum of Understanding) at MOA (Memorandum of Agreement) nu’ng isang araw, kasado na ang lahat-lahat, ayaw nang ipabanggit pa ni Willie ang mga detalye pero maganda ang naging resulta ng kanilang pag-uusap.

Nabili ni Willie ang nasabing lote nu’ng nakaraang taon, 3,000 square meters ang kabuuang sukat nito, napakaganda ng lugar dahil accessible ‘yun kahit saan.

“Sabi nga ni Senator Villar, bibihira ang mga ganu’ng klase ng lote, pinag-aagawan daw ang ganu’n, kaya masuwerte pala ako dahil napunta sa akin ang lote na nasa may audience entrance lang ng ABS-CBN.

“Maganda ang pag-uusap namin, saludo talaga ako sa kanya pagdating sa business, lalo na nu’ng nalaman ko ang buong kuwento kung saan siya nanggaling at kung paano siya nagsimula.

“Inspired ako kapag nakakausap ko si Senator Villar, hindi lang naman kasi hosting ang inaasikaso ko ngayon, pati ang future ng mga anak ko, inaasikaso ko na,” pahayag ni Willie.

Tapos na ang kanyang kapritso sa sasakyan, negosyo na ang palaging nasa utak niya ngayon, ano pa nga ba naman ang kailangan siyang magkaroon samantalang natikman niya na ang lahat.

Mauunawaan naman ang dahilan kung bakit, nanggaling sa wala si Willie, pareho lang sila ni Manny Villar na ang tanging sasakyan nu’ng araw ay ang kanilang tsinelas.

“Pero habang tumatagal, makalilimutan mo na rin ang kapritso, negosyo na ang tututukan mo. Ngayon pa lang, napakarami nang nagpapareserba ng space sa Wil Tower Mall, may naka-assign na ako sa parteng ‘yun, bahala na silang mag-screen ng mga applicants.

“Hindi ko naman kasi ‘yun maaasikaso palagi, busy ako sa show, doble-kayod ako ngayon dahil malaki ang kailangang gastusin sa twin tower na ipagagawa namin.

“Parang panaginip lang talaga, pero sa totoo lang, hindi ko naman pinulot lang sa kung saan ang budget sa pagpapagawa ng building, kapag naiisip ko nga ang aabutin nu’n, nalulula rin ako, pero nandu’n ang saya dahil alam mong may pinupuntahan ang mga pinaghihirapan mo,” kuwento pa rin ni Willie Revillame.

ISANG AKTOR ANG nagkomento na huwag na huwag siyang hahamunin ng away ni Baron Geisler at siguradong makikita ng aktor ang ayaw nitong makita sa buhay na ito.

Matagal nang gigil na gigil kay Baron ang sikat na aktor, kahit daw sabihan pa siyang mapagpatol sa mga hindi dapat patulan ay wala na siyang pakialam, dahil napakarami na niyang nababalitaang winawalanghiya ng tomador na aktor.

Sabi pa ng sikat na aktor, “Kundi siya kayang pigilan ng mga mismong kapamilya niya, siguro, kailangang sa labas ng bahay nila manggaling ang disiplina para sa kanya.

“Huwag na huwag niya akong hahamunin dahil papatulan ko siya. Sabihin na nila ang kahit ano, pero kapag ako ang hinamon ni Baron, magtutuos kami. Sobra na kasi siya, e.

“Wala na siyang nirerespeto. Babae at lalaki, bata at matanda, parang wala na siyang respeto. Inaabangan ko ang pagkakataong hamunin niya ako, I”ve been waiting for his invitation,” nanggigigil pang pahayag ng sikat na aktor.

Kilalang-kilala niya ang pagkatao ni Baron Geisler, walang maitatago sa kanya ang barumbadong aktor, dahil minsan sa kanilang buhay ay naging magkaibigan din sila.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

20 thoughts on “Aktor, gigil na gigil kay Baron Geisler – Cristy Fermin

  1. parang wala ng pag- asa si baron magbago,dahil nabasag na ang mukha nya dati pero di pa rin nagtanda,pumasok pa sa pbb pero wala ring nangyari at pag labas sa PBB parang grumabe pa ang pag inom ng alak! kahit sang katerba pa ang payo ang ibibigay mo, useless din dahil adik sya sa alak, rehab lang ang sulotion yan, para matanggal ang adiction ng alak sa katawan,alam kung gustong gusto nyang magbago pero kung nakakakita sya ng alak parang nawawalan na naman ng ulirat! kaya magparehab ka na baron habang maaga pa!! magaling ka pa naman na actor….sayang ang trabahong naghihintay syo

  2. Truly an angel tama ka, walang kasing baho Ang bunganga ni tiago tago, tuwang tuwang demonya si Fermin sa kanya, kasi Kung si Cristy ay alagad ni Willie, sila naman alagad ng kadiliman dahil sa nakakadiring lumalabas sa mouth nila na galing sa hearts nila. Galit na galit sila Cristy, Willie pero masahol pa sila. Kung pangit Cristy bakit nagbabasa sila ng article niya? May anak kaya itong mga ito, ganito kaya sila magsalita sa harap nila, me religion kaya Ito?

  3. No matter where the source is, help is help. The Philippines need a lot of funds for rehabilitating those that were affected by the disaster. So, if Willie has a great influence towards others, whether here or in other parts of the world, then let’s not question it. The most important thing is that they are aware of the situation in the Philippines and are willing to help.

  4. Maawa naman kayo kay Cristy, porke ba pangit sya ginaganyan nyo na sya!

    Nay Cristy, bakit kasi di mo ipa-opera yang mukha mo.. Pa-sponsor ka kay Willie.

  5. Mga walang modo na nagbabasang aking kolum, wala kayong pakialam kung ano man ang isulat ko rito.

    Ang aking blind item ay walang iba kundi si Jake Cuenca.

  6. I suggest sa mga readers instead mag criticized, mag research muna. Pero lahat ng nabanggit ko ay totoo. Kaya I dare U na i-share nyo ung Idol na kayang tumapat sa na accomplish ni Willie. Pero the way I see it parang wala kayo maitapat na artista instead bitterness lang.

  7. Yung Prime Minister ng Bahrain na favorite ang Wowowee. Ito ay nireport sa TV Patrol dahil nag-donate ito ng P25 million sa Sagip-Kapamilya. Ung kay OBAMA naman, nagkataon nakita nya nanonood ng TV ang chef nya na isang Fil-Am. tinanong kung bat nya ito pinapanood. Ang sabi pa nga ng chef, there are a lot of americans watch Wowowee.

    Bitter lang kayo kasi di kaya ng mga idol ito. Magsabi nga kayo ng mga artista pwdeng tumapat sa mga nabanggit kong accomplishment ni Willie.

    Tanggapin nyo na ang totoo.

  8. hoy kulafing, tang ina mo. sipsip ka rin katulad ni cristy (aka pangit at dildo queen. masyadong malibog kaya kahit pumunta sa amerika dala dala ang dildo niya. kasi naman walang pumapatol sa pangit na muka nya. magsama kayong dalawa at himurin ang bayag ni willie devillame

    • wow mukhang mas nkkadiri ka k willy manalamin ka nga at ng ma-realize mo na sobrang baho ng bibig mo… galit ka k willy at cristy why, dont tell me dhil sa kasamaan nila then ang kawatan galit sa kapwa kawatan…

  9. To demonya is Fermin. Ang demonyo ay Gaya ng lumalabas sa bibig mo, Tuwang tuwa demonyo sa inyo kasi kinakalat niyo mga salita nila. Buti pa si kulafing fair

  10. kulafing, hindi mo yata nabanggit ang last 2 shows ng Wowowee sa Lake Tahoe and Tacoma na parehong FLOPS!!! Kaya hanggang ngayon hindi naipalabas ng wowowee saTV dahil obvious na obvious na walang tao….as in NILANGAW……pinamigay na mga tickets sa mga tao sa labas para magka tao naman ang show kahit konti…

  11. Malayo na talaga narating ni Willie. Tingin ko wala pang artista nakakagawa ng mga achievements nya.

    Ung Prime Minister ng Bahrain favorite ang Wowowee. Pati ung may ari ng Jollibee, National Bookstore, asawa ni Danding Cojuangco, US Ambasador Kristie Kenney pati si Pres. Obama ay nakanood na din ng Wowowee dahil dun sa Fil-Am chef nila sa White House.

    Ang Sept.3 ay declared na Willie Revillame’s Day in Las Vegas. Ito ay ginawad nung nag show sya nun sa Thomas and Mack last Sept.3, 2006 na dinagsa ng tao na kung saan tinalo nila ang concert nila Mariah Carey at Justin Timberlake sa daming nanood.

    Last January sa DUBAI nag show sila dun at nag registered ng may pinakamaraming taong dumalo sa history ng DUBAI around 22,000.

    Ang kanyang provincial shows: Davao (120,000), CDO (150,000) at P150,000 (Cavite) ayon yan sa PNP.

    Madaming naninira dahil sa inggit lalo na si Joey DeLeon at Tita Swarding. Pero sa huli gusto pa din sya ng tao kahit nagpapahiya ng staff sa TV.

    • Di po nanonood ng Wowowee o kahit anong tv show si Pres. Barack. Mad Men at Late Night with Jon Stewart lang po pinapanood niya.

      • at sinama pa talaga c obama ng kulafing nato ha. as if naman nandon cya sa white house para malaman yun. eh, sa dami ba naman ng problema sa US uunahin paba niya manood ng wowowee? ang ingay kaya ng palabas na yan. at kataka-takang nakausap niya ang prime minister ng bahrain pati na mga alta sosyedad sa pinas. hay naku. cge na nga pagbigyan na natin tong taong to.

      • napanood ko yung sa t.v. patrol na pag-donate ng 25 million ng prime minister ng bahrain at sinabi nya rin na gus2 nya ang wowowee…

  12. Politics nga naman sa Pilipinas..too much corruption,Should Villar wins the election,for sure,uunahin niya ang return of investments niya through Juan dela Cruz’s tax money.

  13. ULUL MO PERMIN!!!! WALANG KWENTA N NMAN ANG BINABALITA MONG HAYUP KA!!! GAGO!!! PWEDE BA TUMIGIL KA NA SA PAGHIMOD MO SA PWET NI DEMONYONG WILLIE!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.