Aktor, Bangag na Bangag nang Maispatan sa Isang Bar!

SIPAT: WALA raw THIRD PARTY sa HIWALAYAN nina MARIEL RODRIGUEZ at ZANJOE MARUDO.
EKLAT: NATAPOS lang ‘yung HONEYMOON STAGE.

SIPAT: Na-FALL OUT OF LOVE lang ang dating SWEETHEARTS.
EKLAT: Read: NAGKASAWAAN!

SIPAT: WALA raw KINALAMAN si ROBIN PADILLA, sey ni MARIEL.
EKLAT: Pustahan, IDEDENAY ni ZANJOE ‘yung TV EXECUTIVE!

SIPAT: HINDI BAGAY sa KANTO BOYS ang mag-HOST ng WOWOWEE.
EKLAT: IBALIK na lang si BINOE… SASAYA pa si MARIEL!

SIPAT: CRUSH daw ni ELMO MAGALONA si RHIAN RAMOS.
EKLAT: LAGOT ka kay DJ MO TWISTER!

SIPAT: TEN TIMES BETTER daw ang KATRABAHO niya sa TV5 kesa sa GMA-7, sey ni DJ MO.
EKLAT: DINOBLE naman kasi ang TALENT FEE ni MO, kaya PANAY ang PURI niya sa kanila.

SIPAT: Teka, MAGSYOTA na ba sina DJ MO at RHIAN?
EKLAT: ITANONG n’yo kina HAYDEN KHO at VICKI BELO!

SIPAT: UMAASA pa pala itong isang EX-GIRLFRIEND ni HAYDEN na MAGKAKABALIKAN pa sila.
EKLAT: Kung kaya n’ya bang mag-TREAT ng TRIP TO PARIS at MARANGYANG SUSTENTO, why not?!

SIPAT: MAGSYOTA pa pala sina RICHARD GUTIERREZ at JEWEL MISCHE, sey ni RITCHIE PAUL.
EKLAT: Naks, STRONG talaga ang RELATIONSHIP nina ‘CHARD at JEWEL, huh!

SIPAT: FAITHFUL daw kasi itong si JEWEL kay RICHARD.
EKLAT: Read: MARTIR.

SIPAT: OBVIOUS naman na NAGAGAMIT si ANGEL LOCSIN sa PAGBABALIK-SHOWBIZ ni COGIE DOMINGO.
EKLAT: Si CRISTY FERMIN ba naman ang PUBLICIST!

SIPAT: Pati ERMAT ni COGIE, naki-JOIN na. INILALAG PILIT si ANGEL.
EKLAT: Baka GUSTO ring mag-SHOWBIZ… at maging PUBLICIST!

SIPAT: ‘AKALA ko ba HINDI na siya nagda-DRUGS,’ sey ng isang SEXY STAR. ‘BANGAG na BANGAG kaya siya nu’ng MAGKITA kami sa isang BAR!’
EKLAT: DAPAT KUMUHA ng MAHUSAY na PUBLICIST ‘tong AKTOR na ‘to, para MAPAGTAKPAN ang KALOKOHAN niya.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.