Aktor at Aktres, nahuli ni direk na may milagrong ginagawa sa loob ng van!

LUMANG BLIND item na ito, pero tawa kami nang tawa habang nasa meeting kami ng programang Paparazzi ng TV5 nang mapadako ang aming usapan sa isang aktor at aktres na nakalimutang tanggalin ang kable ng kanilang lapel, kung saan ay dinig na dinig ng isang beteranong direktor na sina aktres at aktor ay gumagawa ng kalaswaan.

Ang kuwento, habang nakaluhod daw si aktres nang walang belo sa aktor ay panay ang litanya nito ng ganito: “Ang hirap namang buksan ang zipper mo.” Na ang sagot ni maputing aktor ay ganito naman: “Bilisan mo.” At maya-maya pa ay naririnig na raw ni direktor ang halinghing ni aktor.

Nataranta raw si direktor. Agad na hinanap sina aktor at aktres at nagulat ito nang malaman niyang magkasama sa iisang van ang dalawa at panay raw ang uga ng nasabing sasakyan.

Ang aktres na bida sa ating blind item ay ang aktres na may initial na V samantalang si aktor ay C naman.

Napagkuwentuhan namin ang lumang blind item na iyon dahil sa isang youngstar na ngayon ay balitang buntis ng tatlong buwan kung kaya’t nasa Europe ito ngayon. Si aktres na balitang buntis ay ang dalagang napabalita noon na nakipaghiwalay kay guwapitong aktor pero muli itong nakipagbalikan dahil hindi niya kayang mawala sa kanyang buhay ang binatang may initial na J.

(By Morly Alinio)

 

 

loading...

4 thoughts on “Aktor at Aktres, nahuli ni direk na may milagrong ginagawa sa loob ng van!

  1. ha ha Puro kayo Marian  he he wala namang ginagawang pelikula na magkasama sila,,taga Dos yan,,,si JLC at AP  ha ha kuha ninyo mga Putang ina ninyong mga Bakla kayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.