Aktor, 2 taon sa loob ng mental hospital!

 

INAMIN NI Direk Maryo J. delos Reyes na lumapit sa kanya ang actor na dalawang taong ginamot sa mental hospital para magpatulong makabalik ng showbiz.

Dahil magaling naman na actor at nangako kay Direk Maryo na pagbubutihan na ang pag-aartista ay bibigyan siya uli ng pagkakataong umarte.

Ayon kay Direk Maryo, maraming actor ang nalilihis ng landas pero nagsisisi rin sa bandang huli na binibigyan niya ng pagkakataong makabawi. Tulad ni Jiro Manio na magaling na actor pero nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Humingi ng tulong kay Direk Maryo na nangakong magbabago kaya tinanggap uli at binigyan ng pangalawang pagkakataon.

Nandiyan din si Romano Vasquez na nakita namin sa Laguna sa resort ni Direk Maryo J na masayang-masaya dahil tinanggap siyang maging isa sa mga talent ni Direk. Nalulong din sa pinagbabawal na gamot si Romano at ngayon ay pinaglalabanan na umiwas sa bawal na gamot.

Ask namin si Direk Maryo kung anong reaction niya sa isyung tapunan siya ng mga artista nalulong sa pinagbabawal na gamot?

“Wala namang masama na tumulong sa mga artista nalihis ng landas na gusto nang magbago.Tao lang sila na nagkakaroon ng problema. Ang kaso lang ay hindi kaagad nila nakakayanan ang problema kaya idinadaan sa paggamit ng bawal na gamot,” say ni Direk Maryo J.

Sabi pa ni Direk Maryo J., masuwerte pa nga raw ang mga artistang nalulong sa pinagbabawal na gamot, kaysa roon sa artistang nawala sa katinuan ang pag-iisip. Kaya ayun, matatagpuan sa loob ng mental hospital.

Ngayon ay magaling na raw ang actor na dalawang taong nanatili sa mental hospital. Sa tulong ng gamot at asikaso ng mga taong nagmamahal sa actor ay gumaling na ito nang tuluyan.

“Nakita at nakausap ko na siya. Magaling na siya. Kapag may project na bagay sa kanya, kukunin ko siya,” pahayag ni Direk Maryo J.

(By Gerry Ocampo0

 

12 thoughts on “Aktor, 2 taon sa loob ng mental hospital!

  1. sabi sa title, mental? ah, kahit dehins na i-read ang article, marian yan for sure :P

    • hay ito na naman ang mga fantard, ewness kayo teh! maisingit lang tlaga ang name na marian! hahaha! angelukring, kaw ba yan? hahahha!!!

  2. hindi naman blind item ito eh… at lalong hindi balita! ni walang clue man lang para malaman sino ung tao na ito.. susunod kung magbabalita ka o magbblind item magbigay ka ng clue para may kredibilidad ang istorya mo! para kang si corona puro kwento walang ebidensiya.

  3. SUGURO DATING BOLD STAR ANG ACTOR NA YAN… KASI DI BA KARAMIHAN SA MGA ALAGA NI DIREK MARYO J PURO MGA SEXY STAR HAHA!