Aksyon TV

NOONG APRIL 6, 2011, Miyerkules, ibinalita sa inyong SHOOTING RANGE ni Ms. Luchi Cruz-Valdes, ang head ng News and Public Affairs ng Aksyon TV – Channel 41 – ang pag-arangkada sa ratings ng Aksyon TV. Sa pinakabagong talaan, humahataw ito ng mahigit sampung puntos sa karibal nitong news channel ng kabilang istasyon.

Ang Aksyon TV ay isang news channel ng TV5. Ito ay inilunsad noong February 21, 2011. Isa sa mga programang napapanood dito Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm ay ang WANTED SA RADYO (WSR), ito ay naka-simulcast sa 92.3 FM.

At ayon pa kay Ms. Luchi, ang WSR ang nakakuha ng pinakamataas na ratings sa lahat ng programa sa Aksyon TV. Dahil dito, abot-langit ang pasasalamat ko sa inyong pagsuporta sa WSR. Labis-labis din ang pasasalamat ko sa lahat ng mga nagtitiwala sa WSR at dumudulog dito para magsumbong.

Kaya palaging nagna-number one ang WSR sa ra-tings, saan mang istasyon ito mapunta, ay dahil sa inyong kagustuhang mapagsilbihan namin kayo at mabigyang solusyon ang inyong mga hinaing. At pa-ngakong hindi namin kayo bibiguin. Dahil dito, lalo pa naming paiigtingin ang aming pagseserbisyo sa inyo – aming mga Boss, kayo na tumatangkilik sa WSR. Maraming salamat po.

Ang Aksyon TV ay mapapanood din sa Channel 1 sa Cignal Cable at Channel 7 sa Destiny. Sa susunod na buwan, inaasahang ito ay mapapanood na rin sa Sky Cable.

MULING BIBIGYANG-DAAN NG inyong SHOOTING RANGE ang mga text messages ninyo para sa WSR na nagpapakita ng inyong pagtitiwala sa nasabing programa. Maaasahan ninyong amin itong bibigyan ng aksyon, maging on-air o off-air.

0923597xxxx – Sir, isa po akong truck driver at i-rereklamo ko ang Jas Towing. Binabagtas ko po kasi ang kahabaan ng Mindanao Avenue nang makasabay ko ang tow truck nila. Napansin ko na may isang bumaba sa kanila habang traffic, binalewala ko lang iyon kahit na lumabas siya sa gilid sa kaliwang side ng truck ko. Maya-maya ay biglang tumirik ang truck na aking minamaneho. Agad kong ininspeksyon ang hose ng diesel at natuklasan kong may hiwa na ito. Ganoon na pala ang modus nila para lang makapag-tow. Pakiaksyunan naman po ang Jas Towing, marami na silang nabibiktima na mga motorista. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po.

0926494xxxx – Isa po kasi akong company driver ng isang fabric dyeing and finishing services, nagmamaneho po ako ng delivery van na may kargang lokal na tela nang may humarang sa akin na kotseng puti na may plate number PAR 405. Pinababa kami at pinabuksan ang van dahil may Oplan Sita raw sila regarding sa kidnappers ng mga bata sa Valenzuela. Pagkabukas ng van, nakita iyong tela at sinabi nilang imported daw iyon kahit sinabi ko sa kanilang lokal iyon, pinagdiinan nilang imported. Kawawa kaming tatlo ng mga kasama ko roon sa MPD Station 1, ikukulong daw kami kapag walang maipakitang note galing sa Customs. Nandoon kami simula 11:00 am hanggang 4:00 pm. Hindi kami puwedeng lumabas ng kuwarto roon sa station kahit para magbanyo o kumain. Sampung libo ang inareglo sa amin para makalabas kami at makauwi. Maliwanag na kotong dahil wala naman silang mission order. Hindi ko nga lang po alam ang mga apelyido nila dahil mga nakasibilyan sila.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.