Aklan cong; 4 na iba pa, kakasuhan ng DOJ sa pamemeke ng SARO

INIREKOMENDA NG National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong pamemeke ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa Region XI at Region XII laban sa limang opisyal kasama na ang isang driver ng Department of Budget and Management (DBM).

Kabilang sa mga pinakakasuhan sa isinagawang pagsisiyasat ng Anti-graft division (AGD) ng NBI ay sina, Emmanuel Raza, staff ni Zamboanga City Rep. Lilia Macruhon-Nuno dahil sa paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code ng RA No. 3019, Elvie Rafael, driver ni DBM Undersecretary Mario Relampagos na kinasuhan ng falsification of public documents, Bernie Beltran, mula sa DBM na falsification of public documents, Mary Ann V. Castillo, na consultant ni Aklan Lone District Rep. Teodorico Haresco Jr., na kinasuhan ng paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree No. 1829, at gayundin si Rep. Haresco Jr., dahil sa falsification of public documents.

Hinggil dito, inaasahan na maghahain ng transmittal letter ang NBI para sa preliminary investigation sa DoJ o Office of the Ombudsman.

Nabatid din na una nang natapos ng NBI ang ginagawang pagsisiyasat na may petsang January 29, 2013.

Sinabi rin ni Justice Secretary Leila de Lima na noong December 2013 natukoy na ng ahensiya ang pagkakakilanlan ng isang tinaguriang “Supremo” na diumano’y pinuno nang binansagang “Xerox Gang” na nasa likod ng pamemeke ng SARO sa tanggapan ng DBM.

Nadiskubre din sa Region 2 ang pekeng SARO na diumano’y inilaan para sa mga farm-to-market road projects, pero sa imbestigasyon ng NBI, lumutang na nakarating din ang mga pekeng SARO sa iba pang rehiyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.