Akihiro Sato, nagtataka sa balitang sila na raw ni Rufa Mae Quinto! – Ruben Marasigan

SOSYAL NA TALAGA ang ina ni Manny Pacquiao. Dati, Aling Dionesia ang tawag sa kanya. Ngayon, Mommy D na. At showbiz na showbiz nang sumagot sa mga interview ang lola n’yo, huh!

Sa mga nagbibiro nga hinggil sa kanyang pagiging instant celebrity, aniya, natural na lumalabas daw.  At dapat lang umanong mas sumikat siya kesa kay Manny dahil anak lang daw niya ang huli.

Kung tutuusin, nanay siya ng bilyonaryong world boxing champ. Puwede siyang magbuhay-donya na for life. Hindi na niya kailangan pang magtrabaho.

Pero ayaw umano ni Mommy Dionesia na umasa kay Manny. Kapag ganitong may magandang oportunidad, gugustuhin pa raw niyang magtrabaho nang magtrabaho. May iba pa raw kasi siyang anak na kumbaga, hindi naman kasing suwerte at kasing-yaman ni Manny na gusto umano niyang matulungan.

Kung sabagay, hindi pa rin natutuldukan ang intriga hinggil sa umano’y medyo pagiging maramot daw ni Jinkee Pacquiao sa pamilya ng asawang si Manny. May isyu nga na ‘yon daw sasakyang dating hinihiling ni Aling Dionesia, kung hindi umano siguro niya nabanggit sa interview sa media, baka raw hindi naibigay sa kanya?

Pero kung si Mommy Dionesia ang tatanungin, wala raw katotohanan lahat ng mga hindi magagandang usaping naglalabasan. Pati ‘yong pagkaka-link ni Manny kung kani-kanino, hindi rin daw totoo.

Marami lang daw siguro ang naiinggit sa kanila ngayon. Kaya hindi sila tinatantanang intrigahin lagi.

MAHUSAY NA AKTRES si Angel Aquino. Pero hindi lang nga sa pag-arte masusukat ang kanyang galing kundi maging sa hosting din. And for three years, enjoy naman siya sa paghu-host ng lifestyle show na US Girls kasama sina Iya Villana at Cheska Garcia aired every Sunday, 7 P.M. sa Studio 23.

“I think I’ve got one of the most coveted jobs,” aniya nga last time na nakakuwentuhan namin siya. “I got to travel for free, be the first to see about new things, or what’s good about life. Ang sarap.”

Idagdag pa raw ang magandang samahan nilang tatlo nina Iya at Cheska hindi lang as hosts ng kanilang show kundi bilang magkakaibigan na rin, work no longer becomes work nga raw for them.

“But I still love acting. Right now, I’m seldom seen in commercial movies. Puro mga indie films lately. And I can’t blame naman the producers (ng mainstream movies) to have their favorites or priorities.

“But I’m glad that recently, I had a chance to be a part of a Star Cinema movie, ‘yong I Love You… Goodbye. Wife ni Gabby Concepcion ang role ko. Sobra naman akong natuwa when it was offered to me. Sabi ko, ‘Wow! Asawa ako ni Gabby!’ Gabby Concepcion ‘yon, huh!” Natawang biro pa niya.

So… kinilig si Angel na maka-partner si Gabby sa pelikula? May gano’n talaga?

NAGTATAKA SI AKIHIRO Sato kung bakit may balitang sila na raw ni Rufa Mae Quinto. Ayon pa sa usap-usapan, ‘yong biruang harutan ay nauwi umano sa pagkakamabutihan na.

“We’re only friends,” paglilinaw ng Brazilian-Japanese model-turned actor. “Of course, she’s pretty, sexy, and fun to be with. Pero like I used to say nga, having a girlfriend is out of my priority right now. Siguro because we get close when we did SRO kaya we’re being linked to each other. Pero wala talaga.”

Career umano ang focus niya ngayon. Very soon, mapapanood na rin siya bilang karagdagan sa cast ng Darna. Ayaw pa lang niyang i-reveal kung ano ang kanyang role para umano abangan ng viewers.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Akihiro Sato, nagtataka sa balitang sila na raw ni Rufa Mae Quinto! – Ruben Marasigan

  1. baket kahit hindi ako magsalita ay humahagalpak na sila ng tawa pag ako na ang nagsasalita, hindi naman ako clown? hayaan nyo, mag hire ako ng mahusay na surgeon para mapabago man lang ng kunti tong mukha ko. siguru naman eh meron sa amirika.

  2. Mas maganda kasi kesa ke Jinkee yung kakambal niya. Ganyan talaga ang mga tao pag minsan. Pag yumaman bigla…gusto kanya lang lahat. Maramot lalo na sa pamilya. Parang gustong maging reyna ba. Ituring na reyna na lahat ng kelangan ng mga kapamilya ay me basbas niya. Maraming ganyan sa mundo.

  3. napansin ko nga na mas nakakaranas ng lavish lifestyle ang pamilya ni jinkee kumpara sa family ni manny… how true naman na dyowa daw ni chavit ang kakambal ni jinkee? ganun na ang taste niya?

    • true ka dyan lea, iba kasi kung rumapido si jinkee kay pakman. tignan nyo na lang kawawa yung kanyang kakambal daig pa ang alila pinaganda lang na PA nya. at si jinkee oa ang pagpaparetoke di man lang nya iparetoke rin yung sister nya, akala kasi nya matatalbugan sya. he he he mga tulad kong sabik sa konting kinang ng kasikatan.

  4. di nyo ba alam na karamihan din sa mga porno star ay mga brazillian. mag surf kayo sa mga yahoo groups at malalaman nyo. dahil sa hirap din ng buhay kaya ganun, ang maganda lang sa kanila profesyon ang tingin nila at may mga kara talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.