Akihiro Sato: Kalat na sa internet ang ‘scandalous’ photo kasama ang ex-gay lover sa Thailand!

USAP-USAPAN NGAYON ANG tungkol sa diumano’y mga sexy photos ni Akihiro Sato. Sa nasabing mga larawan, naka-brief lang daw ang guwapong Brazilian model-turned-actor at nakabakat ang kanyang naghuhumindig na private part.

Ang mas nakaiintriga, may shot daw na kasama nito ang isang bigtime na gay Thai photographer na siya umanong kumuha ng nabanggit na mga larawan. Karagdagang tsismis pang nasagap namin, nagkaroon daw si Akihiro ng short-lived affair sa mayamang gay photographer na ito during the time na nakabase pa siya bilang model sa Thailand.

During the time daw na may relasyon sila, talagang sobra umano ang pagkahumaling ng Thai gay photographer kay Akihiro. Sunod daw lahat ang luho ng binata.

Natapos lang daw ang kanilang affair nang magdesisyon umano si Akihiro na dito naman sa Pilipinas niya ituloy ang kanyang modeling career. Naiwan daw niyang broken hearted ang nakarelasyong gay photographer sa Thailand na until now ay hirap pa rin daw mag-move-on at tanggaping tapos na nga ang maliligayang sandali nila ng model-actor.

Hindi kaya ito ang nagpakalat sa internet ng sexy photos ni Akihiro?

Pabalik pa lang ng Pilipinas next week ang binata mula sa dalawang buwang bakasyon sa Brazil. Alam na kaya niya na may ganitong isyung sasalubong sa kanya? At ano kaya ang isasagot niya?

Abangan na lang natin.

PAREHONG MAY SHOW nitong katatapos na Valentine’s Day sina Kim Chiu at Gerald Anderson kaya hindi sila nagkaroon ng chance to go out on a date. Pero may gift naman silang naibigay sa isa’t isa.

Ipod daw ang ibinigay ni Kim kay Gerald. Chanel earrings naman daw ang regalo ng young actor sa dalaga.

Okey lang daw sa dalawa kung hindi man sila nagkaroon ng chance to go out on a special date sa nagdaang araw ng mga puso. Puwede naman daw nilang gawin ito kapag nagkaroon sila ng free time.

Kunsabagay, dahil sila ang magka-loveteam, madalas namang sila rin ang magkasama. At pansin na pansin na talagang consistent ang pagiging sweet nila sa isa’t isa when they’re together. As in, parang araw-araw, eh, Valentine’s Day for them.

Talaga lang!

GAANO KAYA KATOTOONG sunod umanong show na matitigbaak na rin sa GMA-7 ay ang SOP? Kahit daw kasi nag-reformat na, patuloy pa rin itong pinadadapa sa ratings ng katapat na programang ASAP ng ABS-CBN.

Ayon pa sa naulinigan naming bulung-bulungan, worried na raw ang iba sa production staff ng SOP. Siyempre nga naman, baka they’ll be the last person to know isang araw na lang na wala na pala silang show.

‘Yong ibang staff nga raw ng SOP, nagtatanong sa mga staff naman ng ASAP kung may bakanteng posisyon at kung puwede silang lumipat. Kaso, sandamakmak din ang staff ng huling nabanggit na show kaya paanong magkakaroon ng bakanteng slot?

Understandable kung mag-panic man ang ibang staff ng SOP sa tsismis na nanganganib nang matigok sa ere ang show nila. Kasi wala namang garantiyang silang lahat din ang magiging staff ng papalit na programa sakaling mangyari nga na mamaalam na ito. Kaya ‘yong iba, ngayon pa lang ay naghahanap na ng remedyo sakaling mawalan sila ng trabaho.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

5 thoughts on “Akihiro Sato: Kalat na sa internet ang ‘scandalous’ photo kasama ang ex-gay lover sa Thailand!

  1. SI AKI LANG ANG MAKASAGOT SA LAHAT NG ‘YON. REGARDING GAY LOVER WALA NAMAN TALAGANG TV PERSONALITY ACTOR NA UMAMIN NA MAY KARELASYON NA BAKLA OR KUMAPIT SA BAKLA KAHIT PA SABIHIN NATIN NA MARAMI NA ANG KUMAGAT SA BAKLA SA SHOBIZ PARA MANATILI ANG KAREER SA ERE, KASI PO MASIRA PAGKATAO NILA KINIKIMKIM NALANG NILA YUN BAKA WALA NG KUMUHA SA KANILA TO DO “RAKET” KASI PANGIT ANG IMAHIN. YUNG MGA ACTORS NA KUMAGAT SA GAY INDECENT PROPOSALS OF COURSE NILILIHIM NILA YUN UNTIL THEY TIME WALANG MAGNANAKAW O SALARIN NA UMAMIN SA KORTE DEFEND PA RIN SARILI NILA GANUN LANG YUN…….

  2. lahat namn ng baguhan sa showbiz dumadaan sa pahada sa bakla, puro kabaklaan ang showbiz eh, ayaw mo pahada pwes laos ka

Leave a Reply

Your email address will not be published.