AKIHIRO BLANCO MAY TORRID KISSING SCENE WITH MARTIN DEL ROSARIO

Akihiro Blanco

SA GUWAPO ni Akihiro Blanco, sino nga ba naman ang makakatanggi sa kanya na makahalikan ng lips to lips (or baka tongue to tongue pa) sa first ever gay serye na all-out ang kabaklaan sa cable para sa series na Born Beautiful nina Direk Jun Lana at Direk Percy Intalan para sa kanilang kompanya na Idea First.

Walang arte. Walang kiyeme na inamin ni Akihiro na hindi siya nagdalawang isip na i-accept ang ang offer ng dalawang director sa television series version ng box-office hit na pelikula nina Paolo Ballesteros at Christian Bables noon.

Paano ang kissing scene ‘nyo ni Martin, may daya? Smack lang sa lips?

“Hindi. Totoong kissing scene. Madami kami na mga ganung eksena sa 12-episode series,” pahayag ni Akihiro na naka-smile pa rin sa nakakaintrigang tanong namin.

Sa katunayan, oks lang sa kanya ang eksena. “Wala naman masama. Biro ko nga sa kanya (Martin) na nagustuhan ko (kissing scence),” natatawang statement ni Aki sa tsikahan namin at the event ng movie niya na “Dito Lang Ako” ng Blade Entertainment kung saan kasama niya sina Jon Lucas at Michelle Vito together with Boots Anson-Roa ang Freddie Webb.

Love story ang premise ng pelikula nila nina Jon at Michelle na hopefully ay panoorin ng marami na showing na sa August 8. Goodluck!

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.