Akihiro Blanco, malaki ang tiyansa sa Artista Academy

MAINIT NA mainit na ang labanan sa Artista Aca-demy dahil nga napili na nga last Saturday ang top 6 na scholars. Sila ay walang iba kundi sina Akihiro Blanco, Vin Abrenica at Mark Newmann. Ang tatlong girlash naman ay sina Sohiem, Chanel at Shaira.

Naging mahigpit ang deliberation ng mga hurado at sinuwerteng nakasali sa anim sina Mark at Shaira. Kaya nakumpleto ang anim.

Kitang-kita ko sa loob ng studio na pinakamaraming fans itong si Akihiro na pamangkin ni James Blanco kaysa kay Vin na kapatid naman ni Aljur Abrenica. Yes maingay ang fans ni Aki dahil isinisigaw nila ang name ng kanilang idolo.

Nahirapan ang apat na hurado na sina Mam Wilma Galvante, Direk Mac Alejandre, Gellie de Belen at Lorna Tolentino sa pagpili. Sabi pa nga ni Percy Intalan ay mahirap pumili.

Well, sana lang at wish namin, na mali ang hula ng mga insider ng TV5 na ang pananaluhin daw ng Artista Academy ay itong kapatid ni Aljur na si Vin.

Kalokah!

 

TINEXT KAMI ni Ynna Asistio para sa kanyang 21st birthday party last Saturday na ginanap sa Andrea North Towers function hall. Siyempre present ang kanyang 5 years boyfriend na si Mark Herras. Sabi nga ni Ynna ay 16 years old pa lang siya ay kasama na niya si Mark kapag birthday niya.

At ang wish niya ay matapos na ang gulo sa kanila ng kanyang manager na si Annabelle Rama.

“Alam ko kasi na nahihirapan din siya, tulad ko. Para makapag-move on na pare-pareho,” sey niya sa amin.

Dumating ang mga kaibigan niyang tunay na taga-showbiz at hindi showbiz. Wala kaming namataan na mga artista na  dati niyang kasama sa kuwadra ni Annabelle.

Mas magiging masaya raw siya kapag tapos na ang lahat ng gulo sa kanila ni Annabelle.

Nakita namin na um-atend si Marian Rivera, Kylie Padilla, Mart Escudero, Ryza Cenon, Luningning with boyfriend, RR  Enriquez, JJ Helterbrand, Rocco Nacino, Atong Ang, Ronald Singson, RJ Martinez with Mommy Karen Martinez, Tanya Montenegro, Cathy Mora at Arjo Atyade.

Pero ano itong nagkaroon nang isnaban nang gabing ‘yun sina Marian at Kylie? Bakit kaya? Ano ang gulo sa dalawa?

Pakisagot…

 

MAY BAGONG album na naman ang Prince of Ballad na si Gerald Santos. Puro revival na nag-hit ang laman ng kanyang bagong album na talagang ‘pag napakinggan mo ay marami ang makaka-relate.

I’m sure pati ang kanyang manager na si Dok Rommel ay relate na relate sa “Maghintay Ka Lamang” na kasama sa limang songs sa album.

Sa mga fans ni Gerald, ito na ang pinakahihintay n’yo. May bagong album na ang inyong idolo. Kaya naman buy na kayo.

 

BLIND ITEM: Knows kaya ni father na aktor na ang kanyang mahal na dalaga na young actress ay sobrang uminom ng alak? Nangunguna raw ito sa tunggaan kapag uma-attend ito ng isang barkada party.

Naku, oras na malaman ni fadir ay sigurado akong baka patigilin na ito sa pag-aartista. Kungsabagay, hindi naman siya menor de edad.

Sana lang kontrolin nitong si young actress ang pag-inom ng alak. Ayaw namin siyang tawaging lasengga. ‘Yun na!
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

10 thoughts on “Akihiro Blanco, malaki ang tiyansa sa Artista Academy

  1. Naku, mas gusto ko si Vin Abrenica, magaling sumagot, marunong magsayaw, kanta at acting, at humble walang yabang. Itong si Aki, sobrang mayabang, akihio ishii ang tunay na pangalan, ang artista na mananalo? di nga maunong sumagot sa interview.
    Vin is total package, tall dark and handsome.

      • Tall dark?? Fine. Pero handsome????? I doubt it. Buti pa nga itong akihiro, handsome, tall although he is not dark. Yung vin, sabi nga ni Lolit solis, feelingero na itong vin na ito, masyadong confident sa sarili kc lam nya favorite cya ni galvante n yung director na mac. Palakasan system hanggang d2. Wish ko lang manalo itong Akihiro blanco. I dont like this Vin. Pag nakikita ko sa tv, sowi pero naalibadbaran ako n change agad ng channel. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.