Akihiro Blanco, ‘di magpapatalo sa mga kalaban sa reality show!

TRUE, NA isa sa pinakamalakas ang dating sa Artista Academy ay si Akihiro Blanco. Bukod kasi sa guwapo ay mahusay sumayaw at  marunong umarte. Hindi rin siya pahuhuli sa pagkanta sa kanyang mga kalaban. Kaya naman hindi malayong siya ang isa sa mga huling matitirang AA scholars. At posible nga rin na siya ang tanghaling best actor.

Klik din si Aki sa mga fans dahil nga isa siya sa maraming fans. Mahigpit na kalaban niya ay ang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin Abrenica.

Sa Lunes after Will Time Big Time malalaman ang mga scholars na matatanggal. Basta ang wish namin ay hindi matsugi si Aki.

Hindi na rin kasi maiwasan ng mga scholar ang magkampihan. Yes, may mga intrigahan na rin sa loob.

Sino kaya ang matibay?

Ang tanong, malagpasan kaya ni Aki ang kanyang Tito James Blanco pagdating sa kasikatan?

 

BLIND ITEM: Yes, latest na latest ang aming blind item today. Knowing n’yo ba ang bida natin na isang actress na malapit nang magpa-kasal sa isang politician mula sa may bandang Norte?

Sabi nga walang lihim na hindi puwedeng sumingaw. Yes, mga kaibigan, mukhang lihim pa ang preparasyon pero isang very reliable source ang nakapagtsika sa atin na busy na nga raw ang mga wedding organizer sa nalalapit na kasalang magaganap.

Alam na kaya ito ng dalawang anak ng aktres ang naging desisyon nitong magpakasal? At isama pa rin natin ang kanyang ex-husband, alam na rin kaya nito?

Kung matuloy man ang seremonya, bale second time na ni aktres kung saka-ling ngang makasal nga siya. Makialam kaya ang kanyang mga anak? Boto kaya ang mga anak niya? O, knows, n’yo na ba?

Gusto n’yo pa ba ng clue? Basta ang kanyang initials ay nasa first four ng alphabet. Rambolin n’yo na lang. Hahaha!

 

HINDI MAGANDANG balita para kay Philip Salvador dahil nga Last August 24, 2012, naglabas  na ang Commission on Elections – Election Registration sa Pandi, Bulacan board ng resolution na hindi puwedeng mag-transfer ng application   of registration si Philip Salvador from Mandaluyong to Pandi dahil nga hindi naman daw siya lehitimong taga-Pandi.

Kung hindi maayos ito, posibleng hindi matutuloy ang kanyang pagkandidato sa Bulacan.

 

BLIND ITEM PA: Sino itong isang famale TV host ang madalas sumigaw sa kanyang celfone dahil palagi raw nitong kaaway ang mister na isang politician?

Napapadalas daw ito lately. Ang dahilan ay selos, dahil wala na nga raw time si Mister kay Misis. ‘Yun na!
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

7 thoughts on “Akihiro Blanco, ‘di magpapatalo sa mga kalaban sa reality show!

  1. nakalibre ata ng tsupa tong baklang writer na to ah hahahahahah mega write up ah hahahahahah pagsususuhin lang naman lahat ni mvp yang mga lalaking kasali dyan hahahaha kaya sya nagpakontest para makakuha tsutsupain hahahahaha

  2. future boy toy ni manny v. pangilinan yang akihiro na yan, wag na tayong magtaka kung biglang yaman ng akihiro na yan at kung hindi man manalo, sya ang parang nanalo sa kompetisyon dahil sa rami ng lead project, thanks to his gay benefactor, mr. MVP! hahahahahahahahahhaa

  3. asa pa ang mga to na may artistrang baguhan na magkaka future sa singko, eh yun ngang may mga pangalan na na lumipat jan biglang nawala yan pa kayang mga baguhan… 

Leave a Reply

Your email address will not be published.