Akbayan at Anakbayan, Nagbanatan

 

NAGKAGULO SA press conference ng Akbayan matapos sumulpot ang ilang miyembro ng Anakbayan at isigaw ang panawagan nitong ma-diskwalipika ang grupo sa darating na halalan sa 2013.

Nagsasagawa ng press briefing ang Akbayan para ipaliwanag ang kanilang panig kung bakit hindi sila dapat madiskwalipika.

Ito’y matapos maghain ng petisyon ang Anakbayan sa Commission on Elections (Comelec) na naglalayong bawiin ang akreditasyon ng Akbayan bilang isang lehitimong party-list group.

Kahapon, hindi napi-gilan ang kabilang grupo at ipinagsigawan ng mga miyembro ng Anakbayan na pekeng party-list ang Akbayan.

Samantala, tinangkang lapitan ni Akbayan Rep. Walden Bello ang mga nagpoprotesta ngu-nit naging bayolente na ang mga sumunod na pangyayari at pisikal na nagtirahan at nagbanatan ang dalawang panig.

Dahil sa nangyari, napilitan ang Akbayan na itigil ang presscon at ipinagpatuloy na lang matapos mapayapa ang sitwasyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.