Akala mo raw kung sino kung umarte
Gretchen Barretto, mataas pa rin ang ere?

MAY PAMBABASTOS bang naganap kay JC Tiuseco when he was not asked to attend the presscon of his latest soap sa GMA na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo?

Kasama sa cast si JC pero hindi siya pina-attend sa presscon to think na hindi naman cameo role ang kanyang participation sa nasabing soap. Bilang best friend ni Dennis ay malaki rin naman ang papel ni JC, pero tila hindi aware dito ang PR head na si Angel Jav-ier.

Well, hindi na kami magtataka, kasi may nakausap kaming reporter na naloka rin dahil tinawagan siya to remind na lang ang isang presscon na wala siyang prior na invitation na natanggap.

That’s a bad PR practice, ha!

 

HINDI PA rin pala nagbabago itong si Gretchen Barretto. Mataas pa rin ang kanyang ere at parang akala mo kung sino kung umarte.

Namimili raw ng kakausapin itong si Gretchen. One time, nagpunta ito sa isang event for a luxury timepieces. She was looking for the ABS-CBN TV crew yata when a staff from another network approached her and politely asked for an interview.

Sabi ni Gretchen ay mamaya na lang. But the the interview never came. Ayun, nilayasan na siya ng TV crew.

Sa isang pagkakataon naman, dumalo si La Greta sa burol. Siyempre, she was asked again para magsalita about the dead person kaya lang biglang nagtaray ang hitad and reportedly said, “Nagpunta ako rito hindi para magpainterbyu kundi para makiramay.”

That we think is so boorish. Ang hihi-ngin lang naman sa iyo ay ilang words kung paano mo naalala ang namatay pero bigla kang nagtaray. Is that too much to ask from you?

 

WILLING SI Daniel Matsunaga na unang bumati kay Sen. Chiz Escudero kapag nagkita sila. Si Chiz ang boyfriend ng ex-girlfriend ni Daniel na si Heart Evangelista.

“I can approach Chiz. There’s no problem,” sabi ni Daniel.

Ano naman ang sasabihin niya kay Chiz if ever.

“Please take care of Heart kasi she’s really a good person. I would say it’s really nice meeting you. I heard really good things about you.”

Walang problema kay Daniel na siya ang maunang bumati sa politician.

“For me there’s no problem of me doing the first move. I really have no bad feelings, eh. I have no reason to have bad feelings. Kahit ano, eh, wala namang problema.”

Sabi ni Daniel, nagkita na sila ni Heart after the break-up, sa Dolphy event at sa Party Pilipinas.

“It was okay naman, hindi na ano, parang friends lang.”

Hindi naman pala na-trauma ang binata sa naging split nila ni Heart at willing pa rin siyang magkaroon ng Pinay girlfriend.

“Hindi, hindi ako takot. I love girls from the  Philippines. I love the Philippines that’s why I’m here for three years and a half now. I am not afraid. My sister has a husband who is a Filipino,” he said noting that Filipinos are “very welcoming” and “really nice”.

Kahit na ready na siya for another relationship ay naka-focus ang mata ni Daniel sa kanyang trabaho sa TV5. Happy siya sa work niya sa Game ‘N Go, Third Eye at Enchanted Garden.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

17 thoughts on “Akala mo raw kung sino kung umarte
Gretchen Barretto, mataas pa rin ang ere?

  1. Tama naman si greta. Makacomment naman ang iba dito. kahit ako nasa lugar nya, tatarayan ko din ng ganun ang reporter. nagpunta ako para makiramay hindi para magpainterview. isa pa, may sense pa ba sasabihin ko about the dead eh hindi naman na nya maririnig yun? ang importante andun ako at nakikiramay. that is more than enough to show na in whatever ways, mahalaga sakin yung namatay. 

  2. hindi naman talaga place para sa mga interview anf lamay at hindi rin tama na gawing showbiz scoop ang isang lamayan! there’s a time and palce for everything, andami talagang mga taga media ang wala sa lugar!!!!

  3. I dont see anything wrong about what she did….d nman pambabastos yun…..ang bastos eh kung hindi nya kinausapa ng reporter at tumalikod na lng xa.

  4. Tama naman si Greta dun sa hindi pagpapa-interview sa lamay. Hindi naman obligado ang artista sa ambush interviews, nasa kanila yun kung kumportable sila sa oras na yun sumagot. Sila rin ang masisira kung sasagot sila nang hindi maayos dahil hindi sila nakahanda.

    • Agree ako sa yo benice, there’s a time and place of that ambush interview, tama naman si Greta, nagpunta siya dun para sa lamay at hindi para mag create ng attention.  Hindi siya obligado magbigay ng ambush interview and maski artista sya, hindi sya kailangan rin respetuhin yong mga personal na ginawa niya.  Kung nandun siya sa Mall or sa party or sa ibang lugar, okay lang na ina-ambush ng interview, but for goodness sake writer, I mean bobong writer, just a common sense naman, respetuhin naman ang ibang artista dyan when it comes to lamayan, may heart ba kayo writer or yong unahan lang ba sa mga ambush interview ang laging nasa mga bobo nyong utak?  Pera lang kasi ang nasa utak ng karamihan dyan. Bobong writer.

  5. well kung tulad mo ring lang namang reporter na cheapangga ang mag iinterview sa kanya talagang never mind nalang teh?! itsura mo pang alex mukhang baklang kanto ka lang na romoronda sa palengke at construction site para makahada no! kapal ng aog mo! at tama naman sya no! nagpunta sya dun para makiramay hindi para magpastar at pagpatinterview vovo!!!

  6. feelinggera naman itong retokada queen na gretchen barreto, nakapag partner lang ng isang milyonaryo kung umasta parang VIP to think na once upon a time naging boldstar ang hitad. kairita lang ang hitad dahil feeling nya nasa socialite ang status nya eh forever social climber naman sya. a starlet once, a starlet forever.

    • ikaw kya ang feek=lingera porke’t username mo eh Krissy eh me authority kn n gayahin ang pgiging taklesa ni Kris hahahha baliw lng teh!!!

      • tanga bobo walang utak! bakit, si kris aquino lang ba ang may pangalan ng username ko ha bobong timawa? at bakit naman ako magpapakataklesa pa kung totoo naman ang comment ko. at mag isip ka ngang gago ka, comment nga diba? hindi pagiging taklesa yun timawang palaka! sa susunod mag isip ka muna bago magreact para di mahalatang bobo ka. bobong lamang lupa

Leave a Reply

Your email address will not be published.