AJ Perez will make us cry for the last time

ISA NA NAMANG malaking ilusyon na hindi dapat paniwalaan ang pagkakaugnay nina Ai-Ai delas Alas at Aljur Abrenica, dahil malabo iyon. Susme naman! Pansinin n’yo naman si Ai-Ai, na napakaraming magagandang nangyayari sa kanyang buhay at career. Pero pagdating sa lovelife ay hindi siya sinusuwerte. Isang malaking biro lagi sa kanya ang sitwasyon kapag nakakita siya ng guwapo sa kanyang kapaligiran. Bilang isa sa mga judge sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN, akala mo takam na takam ang komedyana kapag may contestant na super-guwapo, pero ganu’n lang si Ai-Ai, dahil siya’y isang babaeng-bakla sa showbiz.

Kung likas kay Ai-Ai ang pagiging mapagbiro kapag mayroong lalaking guwapo sa kanyang harapan, likas naman kay Aljur ang kanyang kasimplehan at pagiging gentleman. Totoo, nilulunod ni Ai-Ai si Aljur sa kung anu-anong papuri. Aba, si Ai-Ai delas Alas iyon na malaking pangalan sa showbiz! Hindi pupuwedeng ang isang maituturing pa ring baguhang sumisikat na ‘tulad ni Aljur ay magmaldito at sabihing hindi niya type ang komedyana, ‘noh! Kaya hayan, pinagpapawisan na lang ng malapot si Aljur sa tuwing iniuugnay sa kanya si Ai-Ai.

Ilang bagets na ba ang na-link kay Ai-Ai? Ilang hindi na rin bagets na kalalakihan katulad ni Direk GB Sampedro ang na-link din sa komedyana, pero sa kalaunan ay wala naman ding happy ending. Marespetong tao si Aljur, kaya ina-appreciate niya ang kabaitan sa kanya ni Ai-Ai. Pero ang itinitibok naman ng kanyang puso at bukambibig niya, at ipinaglalaban niya kay Robin Padilla ay ang anak nito na si Kylie Padilla, kaya asahan nating matatapos kaagad ‘yang isyu nina Ai-Ai at Aljur.

DAHIL SOBRA AKONG nagulat sa biglaang pagpanaw ni AJ Perez, kaya ngayon lang ako una’t huling makikisawsaw. Sa hanay kasi ng mga kabataang artista ng ABS-CBN ay paborito ko rin si AJ, dahil gasgas mang sabihin ay nababaitan din ako sa kanya. Napakaganda ng pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Nakakatuwa si Mommy Perez, dahil nakakataba raw ng puso ‘yung nadidinig niyang magagandang sinasabi ng mga tao tungkol sa yumao niyang anak.

Sa totoo lang, pagkatapos ni John Prats na nu’ng bagets pa lang siya ay maraming artista ng Kapamilya Network ang nagsasabi na may breeding daw at napakabait na bata, ay si AJ na ‘yung sumunod na young actor, na puro pagpuri din ng kapwa niya artista ang madidinig mo tungkol sa kanyang ugali. Kaya nga, gusto nating iparating kay Mommy Perez na hindi lang ngayong patay na si AJ maganda ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanyang anak, kundi buhay pa lang ang guwapong actor ay kapuri-puri na siyang talaga.

Para sa akin, ang biglaang pagpanaw ni AJ ay katulad ng naramdaman kong pagkagulat nu’ng magkaibang taon ay biglaan din ang pagkamatay nina Alfie Anido at Rico Yan. Sila ‘yung mga mababait, na hindi naman nagkaroon ng malulubhang karamdaman, pero biglang nawala na agad. Wala na si AJ, pero para sa mga nagmamahal sa kanya ay mayroon pa siyang isang natatanging episode ng Maalaala Mo Kaya na ipalalabas sa April 30, kaya abangan n’yo po.

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa nire-respeto naming manunulat na si Mr. Ricky Lo. Kung ilalarawan namin siya bilang manunulat, siya ‘yung tipo ng tao na walang masamang pakikitungo sa kapwa. Kahit napakalaki na ng kanyang pangalan, kapag binati mo siya ay lagi siyang naka-smile. Kakaiba siya sa ibang beteranong manunulat sa showbiz na parang mga ampalayang masusu-ngit.

Happy birthday, Kuya Ricky!

ChorBA!
by Melchor Bautista

One thought on “AJ Perez will make us cry for the last time