AJ Perez: Education and Talent!

Nakabibilib naman ang Star Magic Talent na si AJ Perez. Ilan lang din kasi ang mga artista na kahit kumikita na sa industriya ay ‘di pa rin pinapabayaan ang pag-aaral. Sa isang tweet ni AJ sa kanyang Twitter account na @ajperez17 noong Setyembre 27, excited ang binata sa kanyang sinabi na “Today’s our school’s sportsfest opening. A lot of beautiful celebs will be arriving here. Noice noice!”.

Si Aj ay highschool student sa La Salle Greenhills sa Mandaluyong City. At sino ba naman ang hindi mae-excite sa mga artistang dumalo sa kanilang sportsfest. Ang kanilang muse… Si Anne Curtis! Dahil din kay Anne naging memorable daw ang event para sa mga taga-La Salle. Si Anne din ang napiling Ms. Pals 2010 sa event.

Dumalo rin sa nasabing event sina Carla Abellana at si Karylle, kaya naman mas umingay pa ang kasiyahan ng mga estudyante. At gaya ng kanyang Milo commercial, excited si AJ na mag-compete sa Basketball. Natutuwa ang binata na bago pa man siya grumadweyt ng highschool ay nakasama siya sa kanilang sportsfest.  At ayon kay Aj, gusto rin niya na sa La Salle mag-aral ng college.

By Jet Bentulan

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.