Aj Perez, 18, Rested In Peace

BUMAHA NG LUHA ang paghahatid sa huling hantungan sa disiotso-anyos na si AJ Perez kahapon nang tanghali.

Balewala ang init ng panahon kumpara sa init ng mga luhang pumapatak sa mga mata ng mga nagmamahal sa young actor sa Manila Memorial Park.

Mga kaklase sa La Salle High School, mga kaibigan at kapatid sa showbiz, mga personal friends at mga kaanak, at ang mga fans at ang mga mahal sa buhay ang sumaksi.

Lahat ay nag-iiyakan at iisa ang sinasabi: “We will miss AJ!” Du’n mo mararamdaman kung gaano kamahal ng mga tao si AJ.

Ang naulilang girlfriend ni AJ na si Steph Ayson ay tulala hanggang sa mailagay na sa kanyang final resting place si AJ.

Nagsalita ang kapatid ni AJ na si Gello kung gaano kamahal ng young actor ang girlfriend nito dahil ibinuko nito na nagpasama sa kanya ang namayapang kapatid sa Miriam College kung saan kasali sa isang event ang estudyanteng si Steph at pinaabutan ito ng flowers kay Gello from AJ, dahil magkagalit pala ang magsyota at ayaw makita ni Steph si AJ muna. Du’n na nakapag-usap at nagkaayos ang magkasintahan. Ganu’n daw ka-sweet ang kanyang Kuya AJ.

Umiyak din si Gello, dahil ang dami na raw naibigay sa kanya ang kuya niya, pero never siyang nag-thank you rito at nag-‘I love you’ sa kuya niya, kaya sinambit ito ni Gello sa huling pagkakataon.

Si Steph, ayon sa ama nito, ay hindi pa rin maka-recover, dahil ilang araw nang umiiyak at nagsisisigaw sa bahay.

Ilang araw na ring kinse hanggang bente ang bilang ng mga kasama nito (sa isang org) ang sinasamahan si Steph sa bahay nila para i-comfort ito.

Ilang kaklase sa La Salle ni AJ nu’ng magpainterbyu sa TV ay halos lahat, nagsasabing, “Mabait si AJ, very humble. Mas mayabang pa nga kami sa kanya, eh!”

Alam ni Mommy Marivic na malulungkot lang silang tatlo pag-uwi sa bahay, kaya lalabas daw muna sila ng mga relatives nila.

“Kahit naman anong gawin namin, Ogie, maaalala at maaalala pa rin namin si AJ, dahil apat lang naman kami.”

Nagpapasalamat si Mommy sa lahat ng nagmamahal kay AJ. “Ikaw din, Ogs, hindi ka namin makakalimutan, dahil mahal mo si AJ.”

Nangako kami kay Mommy at Daddy Gerry na lalabas kami one of these days.

Alam naming pinakamahirap sa magulang ‘yung sila ang naghahatid sa anak nila sa huling hantungan imbes na sila ang ihatid.

“Tutulungan naman kami ni AJ na maka-move on siguro, Ogie.”

Photos by Mark Atienza

By Ogie Diaz

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Aj Perez, 18, Rested In Peace

  1. WAG PO TAYONG MALUNGKOT SA PAGKAWALA NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY,KASI MAS MASAYA NA SILA NGAYON SA KANILANG KINALALAGYAN DAHIL NARATING NA NILA ANG TUNAY NA NILANG LUGAR,BAGAMAT NAMIMISS LANG TALAGA NATIN SILA

Leave a Reply

Your email address will not be published.