AJ Perez’ supposed to be last interview

UNA NAMING NAKILALA si AJ Perez nang mag-asikaso sila kasama ang iba pang Star Magic talents ng kanilang mga US Visa noong June of 2009 sa Bayview Park Hotel sa may Roxas Boulevard. Tutulak noon ang buong tropa ng Star Magic sa kanilang taunang US Tour at isa sa mapalad na makasali sa naturang biyahe ang baguhang si AJ. Hindi pa noon masyadong mahigpit ang ABS-CBN sa amin bilang nasa ibang istasyon kami at pinapaunlakan pa nila ang aming mga panayam sa kanilang mga talents.

Masayahing bata si AJ at hindi naging maramot sa anumang interview na hihilingin namin sa kanya. Dito rin namin na-kilala ang kanyang ama na palagi naming nakikitang nakaalalay sa kanyang anak. Marami pang pagkakataong nakapanayam namin si AJ and as usual, palagi siyang nakangiti sa amin.

Noong mga panahong bibihira ang mga events at may mga oras na wala kaming mai-interview na artista, tatawagan lamang namin si Daddy Gerry para kumustahin si AJ and presto may interview na kami.

Matagal-tagal na rin nang huli naming ma-interview ang guwapong binata, nangyari pa ito noon sa re-opening ng Belo Clinic sa Greenhills. Mahigpit na noon ang mga handlers ng ABS, pero napaunlakan pa rin niya kami ng isang panayam.

Noong Biyernes, April 15, 2011, nakatakda sana kaming dumalo sa birthday ng kaibigang Jobert Sucaldito sa Golden Bay Restaurant pero dahil naipit kami sa isang commitment, hindi na kami tumuloy. Kung nagkataon, ito sana ang pinakahuli naming panayam sa binatang lihim na iniidolo ng karamihan. Malungkot man ang madla sa sinapit ni AJ, nagdadalamhati man ang lahat sa kanyang maagang paglisan, na-realize na rin naming nasa piling na siya nang Maykapal at masaya na siya sa kanyang kinaroroonan sa ngayon. Maligayang paglalakbay sa ‘yo, kaibigang AJ Perez.

KAHIT SAAN KAMI magpunta, lagi kaming tinatanong-kinukulit kung kalian nga ba magbabalik ang paboritong kasalo sa hapunan ng sambayanang Pilipino, ang Willing Willie. Pero kahit may nakapagbulong na sa amin kung kailan nga ba ito muling mapapanood, wala naman kami sa posisyon upang sagutin ang mga tanong ng karamihan tungkol sa show.

Ang masasabi lang namin, malapit na itong muling masilayan sa telebisyon at muli na namang sisigla ang mga gabi ng mga Pinoy na uhaw sa kasiyahang dulot ng Willing Willie. Marami raw mga pagbabago at mga pakulong inihanda ang buong staff ng show para sa lalong ikakaganda nito.

So abangan na lang natin kung kailan nga ba babalik si Willie Revillame at ang buong tropa ng Willing Willie, na tiyak inaabangan na ng sambayanang Pilipino hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

BLIND ITEM: NOONG Lunes, April 18, may isa kaming appointment na pinuntahan somewhere in QC at dahil napaaga kami, pumasok muna kami sa isang on-line bingo upang magpalamig dahil sa sobrang init. Umupo kami sa 1-peso machine at naghulog ng isang daan para lamang hindi paalisin ng mga staff.

Napansin namin ang isang may kaputiang babae sa aming kanan na abalang-abala sa paglalaro. Tinitigan naming mabuti, baka namamalik-mata lang kami, pero hindi talaga kami nagkamali. Siya nga ‘yung sexy star na naanakan ng isang sikat na sikat na ngayong actor sa isang malaking istasyon.

Nang napansin niyang nakatitig kami sa kanya, agad siyang nagsuot ng artista shade. Nakakaloka siya, hindi man lang niya kami naaalala na kamakailan lamang ay na-interview namin siya para sa guesting niya sa isang drama show.

Hala, ito na kaya ang pinagkakaabalahan ng sexy star na ito dahil matumal pa sa ulan ang kanyang karaketan? Ayaw ng taga-breakwater ng ganyan!!!!

Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5: Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; At sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “AJ Perez’ supposed to be last interview

  1. Ano bang mentality itong mga taong sugal ng sugal, sa ekonomiya pa naman ngayon, makakuha pa nilang mag sugal at magtapon ng pera, kung ipamigay nalang kaya nila sa mga charity ang perang inilugi nila sa sugalan, mas makatulong pa sila. Haaay naku, walang mga mudo ang mga sugarol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.