Aiza Seguerra,stay pa rin sa Be Careful With My Heart

SOBRANG PATOK sa mga manonood ang Be Careful With My Heart. Inaabangan ng lahat ang mga nakakikilig at nakatutuwang tagpo nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap). Since it was first aired on ABS-CBN ay hindi na maawat ang patuloy na pagbulusok ng ratings nito. Kaya naman kahit sa mga mall shows ay pinipilahan at tinitilian ang buong cast ng hit series.

Nalipat ng new timeslot ang Be Careful With My Heart kaya umugong kamakailan ang balita na aalis sa programa si Aiza Seguerra who plays Kute na ate ni Maya. The series now airs on the same timeslot with Eat Bulaga kung saan unang nakilala si Aiza bilang contestant ng Little Miss Philippines. Ito rin ang nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz.

“Alam naman natin kung ano ang timeslot ng Be Careful at medyo apektado lang ako roon at iyon ang reason. I’m very happy na iyong Be Careful family ay very accommodating pagdating doon. Kumbaga they are really trying and doing their best to make it work kahit ganito lang ang naibibigay ko. And I’m very blessed to be a part of such amazing team.”

According to an article from ABS-CBNnews.com, Aiza vehemently denied the issue that she’s leaving the show. “All I can say is as of now ay no, hindi ako aalis. Pero siguro I’d rather keep it between me and Be Careful staff, production and the management but so far [I’ll] stay.”

Samantala, kahit abala si Aiza sa kanyang acting career ay naglalaan pa rin siya ng oras para sa kanyang singing career. The love song Anong Nangyari sa Ating Dalawa which she interpreted for the songwriting competition Himig Handog has won first place. Ang kanta ay sinulat ni Jovinor Tan (ng Malabon) na nanalo ng P1 million sa ginanap na grand finals sa MOA Arena.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Aiza Seguerra,stay pa rin sa Be Careful With My Heart

  1. AS USUAL, TANONG NYA, SAGOT NYA NA NAMAN SI ATE BOY NUNG MAG GUEST SI AIZA SA BANDILA. HAAAAYYY…ATE BOY, U DON’T SEEM TO BE THE EXCELLENT HOST THAT EVERYBODY THINKS U ARE. AND IT’S NOT EVEN ABOUT TIME PRESSURE OR LACK OF TIME. TLGANG GANUN LANG MAG DOMINATE NG INTERVIEW SI BOY. PAREKO KAYO NG BFF MONG SI TETAY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.