Aiza Seguerra, nagpaanak sa kotse – Pilar Mateo

ISA SI AIZA Seguerra na sa sarili niyang paraan ay gumawa ng Oplan Ondoy kung saan nagso-solicit din siya ng mga donations in whatever kind sa lahat ng kanyang mga kaibigan at kakilala.

At sa pag-iikot nito sa Marikina at Pasig recently, nakarating sa amin na balita na naging komadrona for a day ang nangangarap na maging isang pulis kung sakaling makababalik siya sa kolehiyo at makatapos ng kurso.

Recently, sa Dagupan na ito nagdadala ng mga relief sanhi rin ng pag-ragasa ng bagong bagyong si Pepeng sa parteng ‘yon ng Ka-Norte-han. At doon nga nila nadaanan ang isang babaeng humihingi ng saklolo para maisakay ng rescuers. Sa tagal ng rescue at sangkaterbang trucks na ang nagdaan na tumangging isakay at ihatid sa ospital ang babaeng mapapaanak na, sa Nissan X-Trail ni Aiza ito isinakay at doon na nga sa loob ng sasakyan niya pinaanak ang babae – ng isang bouncing baby girl. Nangyari ito noong Sabado ng gabi. May show kasi sa Batangas si Aiza kaya pinilit nilang makababa mula Dagupan para habulin ito. ‘Di nga akalain ng Acoustic Diva na isang blessing pala ang magaganap na naman sa buhay niya.

[ad#post-ad-box]

At kahit na walang background sa Nursing o Medisina ang Acoustic Diva, yes, nagampanan niyang mailuwal sa ‘sang maliwanag ang isang nilalang.

HINDI NA RAW kinailangang umakting si Janice Jurado sa papel na ibinigay sa kanya ni Joy Cancio sa bagong season ng Daisy Siete na My Shuper, Sweet Lover (featuring Jopay Paguia, Joshua Zamora and Felix Roco).

Kasi, drug addict ang role ni Janice Jurado sa nasabing programa.

Aminado naman si Janice na nalulong siya noon sa nasabing bisyo pero ngayon daw, eh, talagang drug-free na siya. At nagpapasalamat din ito dahil marami ngang mga kasama niya sa industriya ang nagtiyagang tulungan siya para muling makabangon.

Pati na sa kanser (sa breast) na kumapit sa katawan niya, eh, nakaligtas na rin si Janice dahil very healthy na raw siya at nawala na ang lahat ang mga masasamang cells na dumikit sa parteng ‘yon ng kanyang katawan.

Sa puntong ito na rin nausisa si Janice kung may katotohanan ba ang mga kumalat na blind items noon na pumupunta na lang daw ito sa mga hotel para makikain kundi man makihigop na lang ng mainit na sabaw.

Say ni Janice, hindi siya pumupunta sa mga hotel lalo na sa binanggit sa kanyang Hotel Rembrandt. Wala na nga raw siyang pera,eh, bakit sa mamahaling mga lugar pa siya magbababad? Sa mga gamot daw niya,marami ang tumulong sa kanya at isa na rito si Jinggoy Estrada.

ITINANGGI NAMAN NI Felix Roco na pinilit siyang mag-hubad ng direktor niya sa La Sagrada Familia na indie movie na tinatapos niya sa kasalukuyan.

Ang kumalat kasing balita, hindi naman maghuhubad doon si Felix pero dahil kinailangan nga ito sa kanyang role, eh, sumunod na lang siya sa gustong ipagawa sa kanya kahit labag sa kanyang kalooban.

Pero sabi naman ng iba, shirt lang daw ang ipinaalis kay Felix sa nasabing eksena. Pero may mga nagsasabi rin na nag-nude doon ang isa sa kambal ni Bembol.

Ang sabi ni Felix, totoo na hinubaran siya. P’wes, alamin ‘yan ‘pag ipinalabas na ang pelikula. Ano naman ang mase-say ng premyadong aktor na si Bembol sa pangyayaring ito?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Aiza Seguerra, nagpaanak sa kotse – Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published.