Aiza Seguerra, malaki ang pagkakaiba kay Charice

MALAKI NAMAN ang pagkakaiba ni Aiza Seguerra kumpara kay Charice Pempengco pagdating sa pagdadala ng personalidad, lalo na nu’ng lumantad siya sa publiko bilang tomboy. Si Aiza kasi ay hindi nanggulat ng tao kahit noon pa man ay marami na talaga ang nangangantiyaw at nagbibiro sa kanyang mabait na inang si Mommy Caring, na ang kanyang anak na noon ay child star pa lang ay lumalaking maraming ipinapakitang senyales ng pagiging tibo.

Napapaligiran kasi si Aiza ng mga tao sa showbiz na sobrang nag-alaga at nagmahal sa kanya, kaya isinaalang-alang muna niya ang magiging damdamin at reaksiyon ng mga taong malalapit sa kanya kapag inilantad niya noon ang kanyang sarili. Sobrang iniyakan ni Aiza kung papaano niya sasabihing habang nagkakaedad siya mula sa pagka-bagets, ay hindi siya nagiging dalaga kundi astig na astig siya sa kaloob-looban ng kanyang pagkatao. Pero parang nabunutan si Aiza ng tinik sa kanyang dibdib, nang ang mga taong nagmamalasakit sa kanya na ang nagsabing kung saan siya magiging masaya ay magpakatotoo na lang siya, at iyon nga ang kanyang ginawa.

Proud ang mga Pinoy kay Charice nu’ng bigla siyang sumikat sa ibang bansa. Kasi nga, hindi agad noon kinagat sa showbiz ang galing niya sa pagkanta. International singer na siya, at habang hinahangaan siya ay para niyang inilalaglag ngayon ang kanyang sarili, dahil marami ang hindi pabor sa katomboyan niya ngayon na baka magpalaos sa kanya.

Si Aiza, laos na siya bilang child star dati, pero dahil nakakakanta nga siya, tinanggap siya ng masa at muling sumikat, dahil nagpakatotoo siya sa kanyang kasarian sa tamang panahon ng kanyang buhay at career.

 

GUSTO RIN naman talaga ni Bimby o Baby James na mag-artista, dahil matagal na siyang sanay sa kapaligiran ng showbiz. Lagi nga naman siyang karay-karay ng kanyang mommy na si Kris Aquino. Hindi lang kasi talaga dati maisagad na mag-artista si Bimby, dahil bata pa nga siya at hindi pa niya talaga dati alam ang gusto niyang mangyari para maging desisyon. Hindi naman pinipilit ni Tetay na mag-artista ang kanyang anak, kundi talagang nararamdaman din niya na gusto ng kanyang anak ang mga puwedeng mangyari.

Product endorser na rin si Bimby at milyon na rin ang kanyang kinita. Kaya hindi naman siguro ipagdadamot ni James Yap na ang kanyang anak ay lumabas na sa pelikula. Dati naman kasi ay proud na proud din si James kapag nagpapakabibo si Bimby para sa showbiz. The best ang mommy ng kanyang anak pagdating sa pangangalaga, kaya hindi mapapabayaan o malalabag ang karapatang-pambata ni Bimby pagdating sa tamang regulasyon ng pagtatrabaho ng isang bata kapag nag-aartista.

Nakakaarte na si Bimby, pero talagang dapat tuparin ni Kris na kapag nagsi-shooting na ng kanyang pelikula si Bimby ay tututukan talaga niya. Dapat mag-acting workshop si Bimby para malayo siya sa image ng kanyang mommy na laging nilalait ang acting ability. Kung sa hitsura naman, may nakuha talaga si Bimby kay James Yap, dahil napakalakas ng sex appeal ng sikat na basketbolista. Pansinin n’yo si Bimby sa isang pictorial niya sa Bench, dahil pormang bagets na siya na ang lakas na ng karisma ng kaguwapuhan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Aiza Seguerra, malaki ang pagkakaiba kay Charice

  1. parang ang panget charice puro birit ang kanta tapos pagtingen mo tomboy puro tattoo kumakanta hehe, si aiza chillax lang ang kanta kaya ok

  2. wala s kanilang pinag kaiba pareho lang cila. kahit anong gawin nilang bago s mga katawan nila o mapagulong gulong man cila jan, PINANGANAK CILANG BABAE KAYA DAPAT MAGPAKABABAE CILA.

  3. sa anak ni kris lang sya pa puri ng pa puri kasi may bayad…si charice walang give…as if si kris lang ang nag e exist…mas yadong over media hype!

  4. Itong Melchor na to parang hindi miyembro ng LGBT kung makapagsulat. Suportahan mo ang kapwa mo LGBT hindi yung nagmamalinis kang hayop ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.