Aiza Seguerra, machong-macho at in love na in love

Aiza-Seguerra-Liza-DinoMACHONG-MACHO SI Aiza Seguerra sa presscon ng post-Valentine concert niyang Journey of Love na gagawin sa Resorts World sa March 1. Ang saya pa niya dahil aminado naman siyang in love na in love siya ngayon.

Kasama pa roon ang girlfriend niyang si Liza Diño na mukhang in love na in love din sa singer, ha!

Doon kinuwento ni Aiza ang tungkol sa pag-propose niya kay Liza na pinaghandaan niya pala talaga nang husto.

Ang sabi ni Aiza, bago raw siya nag-propose kay Liza, kinausap daw muna niya ang pamilya niya at pati ang pamilya ni Liza.

Kaagad naman daw siyang  sinuportahan ng pamilya niya dahil mahal nila ni Liza. Close daw kasi si Liza sa pamilya niya at gustung-gusto nga raw ito ng kapatid niya, eh.

Tinawagan daw ni Aiza ang Mommy ni Liza, at kuwento nga raw niya halos maihi-ihi raw siya sa pantalon niya nu’ng kinausap niya ito.

“Ang daming questions of course, pero I reassure mom na kumbaga, I love her daughter so much and I’m responsible enough to take good care of them, and she can trust me,” kuwento ni Aiza.

Kaya naayos niya lahat bago siya nag-propose at suportado nga ito ng mga pamilya nila.

Tumulong pa raw si Kris Aquino sa paghanap ng magandang singsing na magugustuhan ni Liza.

Pagdating sa pag-ayos ng proposal, tumulong din daw si Sylvia Sanchez na close din kay Aiza.

Sa ngayon ay hindi pa raw nila na-finalize ni Liza kung kailan ang kasal, pero definitely daw hindi sa taong ito.

Baka raw next year na gagawin nila sa Amerika, at meron din daw silang seremonyang gagawin dito sa bansa.

Ito palang concert na pinu-promote ni Aiza ay ipu-produce ni Pops Fernandez sa DSL Entertainment na pag-aari ng Mommy niyang si Dulce Lucban.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.