Aiza Seguerra, kasado na ang kasal sa Amerika

Aiza-SeguerraNAPAGKASUNDUAN NA raw nina Aiza Seguerra at ng girlfriend niyang si Liza Diño na magpakasal na sila early next year.

Mauuna raw muna nilang gawin sa Amerika. Hindi pa raw sure kung New York at Los Angeles. Pero magkakaroon din daw ng seremonya rito.

Unti-unti na raw nilang napaplano at ang isa sa ikinagulat ko, napili na raw nilang isa sa groomsmen si Tom Rodriguez.

Close pala si Aiza kay Tom dahil nagkasama sila sa Be Careful With My Heart bago lumipat ang aktor sa GMA 7.

Nag-guest kasi si Tom sa concert ni Aiza na Journey of Love nu’ng nakaraang Sabado, at nagkantiyawan sila roon.

Isa raw si Tom sa unang nakaalam sa relasyon ng dalawa at siya raw ang madalas na kinukuwentuhan ni Aiza. Kaya close pala talaga sila.

Masayang-masaya si Tom para sa dalawa dahil nakikita raw niya kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

In fairness naman, tanggap ng publiko ang relasyon ng dalawa lalo na ang kanilang pamilya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.