Aiza Seguerra, ise-celebrate ang 25 years sa showbiz sa isang malaking concert sa Araneta!

HUHUSGAHAN NA si Aiza Seguerra mamayang gabi, September 28, sa ka-nyang major concert sa Smart Araneta Coliseum na may titulong Bente Singko.

Ang bilis ng panahon dahil nga 25 years na pala ang nakalipas buhat nang sumali siya sa Eat Bulaga.

Maku-consider na isa siya sa mga artista at singer natin na malayo na ang narating dahil nga hanggang ngayon ay mataas pa rin ang kanyang popularity.

Kaya naman malaki pa rin ang tiwala ng kanyang producers na sina Joed Serrano at Cora Dionisio.

“Alam, n’yo mas masaya ako at mas gusto ko ang maliit na venue. Pero dahil nga isang pagdiriwang, 25 years, ay this is it. Excited ako sa jamming namin ni Gloc 9. Mas nae-excite ako talaga,” sey ni Aiza.

Inamin din niya na malaya ang kanyang puso sa ngayon. Hindi nakabilanggo ang kanyang puso, kundi ito ay napaka-malaya.

Kung hindi kami nagkakamali, 8th months na raw sila ng kanyang bagong pag-ibig.

Pareho sila ni Joed Serrano?

 

ANO BA itong nasagap na naman naming tsismis na kesyo masyadong negative na nga raw itong nanay ng starlet na si Louise delos Reyes. Sa hindi knows kung sino si Louise, bida po siya sa One True Love.

Ang latest nga ay nagtsika raw itong si mommy na ang ka-level daw ng kanyang anak ngayon ay sina Angel Locsin at Anne Curtis. Kaya hindi na raw ka-level ng kanyang anak ang ibang artista.

Sagot naman ng iba ay “The nerve!” daw!

Maldita na nga si Mommy…

 

HINDI PA ngayon magwatak-watak ang grupong Masculados… tuloy pa rin silang mamayagpag. Dahil nga sa October 15 ay  magkakaroon pa sila ng concert sa Zirkoh. After 10 years ay heto sila at lalong gumuwapo.

Marami raw silang pa-sabog sa said time sabi ng direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Sa true lang, okey naman daw ang kinita ng mga miyembro kung kaya naman marami-rami na rin naman silang nai-invest.

May nakabili na ng bahay, may negosyo at mga sasakyan at may mga kapa-kapatid na silang napag-aral. At wala silang pinagsisihan sa 10 taon. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Sino itong komedyanteng babae na sa sobrang elya niya sa hunk actor ay talagang gumawa siya ng paraan para mahawakan niya ang nota nito?

Nang mag-dinner sila ay nagpunta sa ilalim ng mesa ang hitad para lang hawakan ang bukol ni hunk actor.

Nagpaubaya naman ang lalaki.

Clue, nasa TV5 na ang hunk actor. At si komedyana naman ay freelancer.

 

BLIND ITEM pa: Sino itong male singer na ang dyowa ay isang young actor? Kulang na lang daw ay mag-live in ang dalawa. Walang araw raw na hindi sila nagkikita.

Ang initial ng name at surname ni singer ay kapag pinagsama ay makakabuo ka ng isang name ng lalaki.

Si young actor naman ay may kaapelyidong isang politician na na-link naman sa isang young actress.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

6 thoughts on “Aiza Seguerra, ise-celebrate ang 25 years sa showbiz sa isang malaking concert sa Araneta!

Leave a Reply

Your email address will not be published.