Aiza Seguerra at GF na si Liza Diño, ipinakita kung paano magmahal ang third sex

Aiza-Seguerra-Liza-DinoI LOVE Aiza Seguerra and Liza Diño for being real dahil sa kanila, mas lalong nai-open at naipakilala sa publiko kung paano magmahal ang mga mga LGBT’s.

Tulad ng naibalita na nag-propose ng marriage si Aiza sa girlfriend (the wedding will happen this year); ang taong 2014 ay taon yata ng mga nagmamahalan na gusto na ring magpatali for keeps na sinimulan nina Iya Villaña at Drew Arellano na 10 years palang naging magkarelasyon bago sila nag-decide na panahon na para magpakasal sila.

Sa susunod na buwan (March), sina Karylle at ang boyfriend na si Yael Yuzon ay ikakasal na rin sa isang private venue somewhere in Tagaytay at kabilang nga as major sponsors sina Sharon Cuneta, Kris Aquino at Mr. C (Ryan Cayabyab).

Last Monday, namanhikan na nang pormal si Yael at ang pamilya niya sa ama ni Krylle na si Dr. Tatlonghari.

Sa Labor Day (May 1) sina Jericho Rosales at si Kim Jones ay nakatakda na ring magpakasal.

Naka-line up na rin sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na nagsisimula na ring maghanap ng kanilang bahay na matitirahan na para sa amin, compatible ang dalawa dahil they both enjoy each other’s company at kahit kaliwa’t kanang intriga ang ipinupukol sa kanila, deadma lang sila.

Natsi-tsismis na naka-line up for marriage din sina Luis Manzano at Angel Locsin (kahit hindi malinaw ang split-up nila sa mga dating karelasyon); sina Dingdong Dantes at Marian Rivera; Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

 Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Aiza Seguerra at GF na si Liza Diño, ipinakita kung paano magmahal ang third sex

Leave a Reply

Your email address will not be published.