‘Air Defense Zone’ ng Tsina, Walang Kinalaman sa Pagdalaw ng Japanese Defense Minister

NANINDIGAN ANG Malacañang na walang kinalaman sa umiigting na tensyon sa tinaguriang air defense zone ng bansang Tsina ang nakatakdang pagdalaw ngayong linggo sa Pilipinas ng Japanese defense minister.

Iginiit ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang pagdating sa bansa ni Minister Itsunori Onodera ay may kaugnayan lamang sa tulong nilang sa relief and recovery effort sa mga hinagupit ng bagyong Yolanda.

Matatandaan na ang Japan Self-Defense forces ay nagpadala ng mahigit sa 1,000 mga tauhan, tatlong mga barko at C-130 cargo plane upang tumulong sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Una na ring naireport ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang pakay sa bansa ng Japanese defense minister ay magsagawa pa ng assessment at pumunta sa ilang calamity areas sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.