Aiko’s boyfriend is seeing Ara Mina?

“YES, I’M RUNNING for vice-mayor!”

‘Yan ang opisyal na deklarasyon ni Konsehala Aiko Melendez. Huling termino na niya bilang konsehala sa District 2 ng Quezon City at ngayon nga, sinabi niyang vice-mayor ang ina-eye niyang posisyon.

Juice ko, kung hindi kami nagkakamali, ang dami nilang magbabakbakan sa iisang posisyon na ‘yon.

Kung hindi tatakbong mayor ang magandang anak ni Mayor Sonny Belmonte ay kasali rin sa karera si Joy Belmonte, si 4th District Cong. Nanette Castelo-Daza, 1st Dist. Coun. Bernadette Herrara-Dy, 3rd Dist. Coun. Dante de Guzman, 4th Dist. Coun. Babes Malaya.
Mukhang mahigpit ang kompetisyon sa Quezon City, huh!

NAKAUSAP NAMAN NAMIN ang special someone ni Aiko na si Bulacan, Bulacan Vice-Mayor Patrick Meneses kaugnay sa lumabas sa isang tabloid na nagkita sila ni Ara Mina nang hindi nalalaman ni Aiko.

“Not true at all,” sey ni Patrick sa aminG phone-patch sa kanya sa “Wow! Ang Showbiiiz!” (sa dwiz 882 sa inyong AM station, 11-12nn). “Ni usap sa telepono, ni anino, hindi pa kami nagkikita ni Ara.”

Eh, ba’t me gano’ng pangyayaring lumabas?

“Kasi, best friend ko ‘yung boyfriend ngayon ni Ara, si Raymond. Kaya imposibleng hindi rin alam ni Aiko kung magkikikta kami.”

MUKHANG INTERESTING ANG Kambal Sa Uma nina Melissa Ricks at Shaina Magdayao. Nakakatuwang ang original na gumanap nitong si Rio Locsin naman ang gumanap na nanay nila.

Pero nu’ng araw, si Rio lang ang mag-isang gumaganap na kambal, kaya malaking ginhawa rin kina Shaina at Melissa na kunwari’y kambal sila.

Alam namin ang kuwentong ito ng komiks writer na si Jim Fernandez na nasa States na ngayon naninirahan. Pinaglihi ng madir sa daga ang kanyang mga anak, kaya si Melissa, anyong daga ang ulo at may buntot pa, pero siya ‘yung mabait.

Samantalang si Shaina naman ‘yung sa likod lang may balahibo ng daga, pero salbaheng bata. Kaya interesting ang kuwento nito.

Pang-primetime ito, pero ang primetime teleserye na ito ay dadalhin sa hapon kung saan matatapos na ang Parekoy at ang Pieta.

MAY KINALAMAN DAW si Ted Failon sa pagkakabaril sa ulo ng asawang si Trinidad Etong. ‘Yan ngayon ang kumakalat. Pero ‘wag muna tayong manghusga.

Nandiyan ang mga otoridad na siyang magsisiyasat ng kaso. ‘Wag nating i-trial by publicity si Ted. Kami’y naniniwalang nag-suicide attempt nga ang misis ni Ted.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Aiko’s boyfriend is seeing Ara Mina?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #52

  2. like kita sa may bukas pa…effective yung tambalan nyo ni arlene muhlach….wishing you more shows to come….magaling ka magpatawa….at hindi pikon hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.