Aiko, pinag-aagawan na!

OLA CHIKA! NAGKAUSAP kami ng aking twin sister na si Aiko Melendez, at sigurado na siyang tatakbo sa susunod na eleksiyon. Kahit nga harangan pa ng sibat, wala nang makapagpapaatras sa aking twin sister.

Matagal na panahon na kaming magkaibigan ni Aiko. Hindi pa siya nag-aasawa, magkaibigan na kami. Kaya kung anuman ang kanyang nilalabanan ngayon, suportado ko ang magandang actress-politician. Wala na ngang atrasan ang laban, kaya abala siya ngayon sa apat na distrito ng Quezon City.

Naku, ang daming artista ang nagsisipaglaban ngayon sa lungsod na ito. Talagang City of Stars ito. Dahil bukod sa nandito na ang mga bigating network sa telebisyon, dito rin nag-uumpukan ang halos lahat ng mga artista. Hindi lang ‘yan, pati ang mga nagsisilbi sa bayan, mga artista rin. Kaloka, huh!

Bongga nga ang misyon ni Aiko ngayon. Bukod sa mayroon siyang libreng gupit, courtesy of Bambi Fuentes, Artista Salon at Benefits Salon, nagsisilbi pa rin si Aiko ngayon bilang councilor ng 2nd District ng Q.C., kung saan tagarito rin ako. Kaloka!

Marami na nga ang gustong kunin si Aiko bilang runningmate sa susunod na eleksiyon sa 2010. Kung hindi ako nagkakamali, pati ang magiging mayor, isa ring artista. Kaloka!

May mga medical mission din ang actress-politician, at marami pang iba. Bukdo diyan, marami na rin ang napatunayan ni Aiko, hindi lang sa kanyang distrito, kundi pati na sa lahat ng taga-Quezon City. ‘Yun na!

NALOKA AKO, DAHIL kahit abala ngayon si Maricar Madrid, nakuha pa niyang aliwin ang sarili at makipagkuwentuhan ng mahabang chikahan sa kanyang mga friends. Kahit super-busy siya sa pag-aasikaso ngayon sa bago niyang ipino-produce na Celebrity Warriors Boxing Series na mapapanood every Saturday sa CS9, naipakilala pa siya ng kaibigang si Direk Neil Tan sa PBA player na si Banjo Calpito. Aray, naku! Name pa lang, magwa-water-water ka na. Hahaha! ‘Tsing lang!

Kaloka, close agad ang dalawa at ipinakilala naman ni Banjo si Maricar sa isa pang basketball superstar ng PBA na si Vergel Meneses. Bongga talaga! At balita ko nga, mga ka-text na niya ang mga ito.

Naku, ha?! Ano kaya ang masasabi ng aking editor sa chikang ito? Hahaha! Naku, ayaw ni Direk Neil Tan ng ganyan. Hahaha! Kaloka!

Marami na talaga ang nag-aabang sa celebrity boxing series na ‘yan. Kaya ngayong Sabado, abangan ang susunod na magbabasagan ng bungo. Aray, naku! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Aiko, pinag-aagawan na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.