Aiko Melendez, umaasang forever na niya si Shahin Alimirzapour

Aiko Melendez and Boyfriend Shahin Alimirzapour

Aiko Melendez and Boyfriend Shahin Alimirzapour

Buong ninging na inirampa ni Aiko Melendez sa blessing ng opisina ng BG Productions ang bagong boyfriend na si Shahin Alimirzapour na isang Persian. Mas matanda ng 12 taon si Aiko sa BF who is only 28 years old.

Isang Dentistry student si Shanin sa Centro Escolar University (CEU) at hindi naman nababahala si Aiko kahit pa medyo malayo ang kanilang age gap.

“Yeah, we have an age gap, but the thing is, my family knows about Aiko already. And age doesn’t matter to me,” sey ni Shahin.

Dagdag naman ni Aiko, “Age kasi is just a number. What matters is how you get along, when you have the same wave length and when you see things together the same way.

“I think, age is but numbers plus the fact that I’m blessed na I don’t look like I’m 40s.”

Maging ang pagkakaroon daw ng dalawang anak ni Aiko ay hindi rin naging isyu sa kasintahan.

“No, never!” pagmamalaki ni Aiko Melendez.

Nakilala na rin daw ng boyfriend niya ang mga anak na sina Andrei at Martina at paminsan-minsan ay nagba-bonding na rin sila.

Aiko hopes na si Shanin na ang lalaking kukumpleto sa kanyang buhay.

Ng forever niya? “When I’m going into a relationship that’s always been my goal, that it’s going to be for keeps and then forever, sana, ‘di ba? I’m hoping na siya na talaga,” pag-asam pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Aiko Melendez, umaasang forever na niya si Shahin Alimirzapour

  1. Omgee! Parang anak mo na yan Aiko!!! Unang kita ko pa lang ng litrato nyo halatang malaki ang age gap nyo. Utang na loob!!! Respetuhin mo naman sana pagka babae mo. Hindi yung kung sino sino na lang pinapatulan mo. Pustahan tayo pag mag break kayo kay Ara Mina sya babagsak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.