Aiko Melendez, todo-suporta sa kampanya ng BF na si Jay Khonghun na tumatakbong vice governor sa Zambales

Mayor Jay Khonghun and Aiko Melendez

KITANG-KITA sa Facebook account ng award-winning actress na si Aiko Melendez kung paano niya sinusuportahan ang boyfriend na si Mayor Jay Khonghun na tumatakbo ngayon bilang vice governor ng Zambales.

Kasa-kasama ni Jay si Aiko sa pangangampanya at pag-iikot sa mga bayan at barangay sa Zambales. Kinakausap din ng aktres ang supporters ni Mayor Jay, ang mga barangay captains para siguraduhin na ibibigay ng future vice governor ang maayos na paglilingkod sa kanilang lalawigan.

Hindi na bago si Aiko sa mga ganitong kampanya dahil tumakbo na rin siya at nanalong konsehal sa Quezon City.

“Kapag naramdaman ng mga tao sincere ka sa sinasabi mo at gustong mong gawin, tiyak na pagkakatiwalaan ka. Maganda naman ang track record ni Jay bilang mayor ng Subic kaya ang dami niyang supporters,” paliwanag ng aktres.

Pinabulaanan din ni Aiko ang ikinakalat na balita ng kanilang kalaban sa pulitika na nagtatago si Mayor Jay dahil sa paglabas ng Narco list na iniuugnay ang alkalde sa isyu ng droga.

Post ng aktres, “Hi Guys, eto po ang ginagawa namen araw araw , ang humarap po sa tao at di magtago. Hindi po kagaya ng pinagkakalat ng katunggali ni @jaykhonghun na sya daw eh umatras sa laban. Madam not true.

“Ang tao po ang makakapagsabi na di kami tumalikod. Sabay namen pinagtutulungan ni Jay ang pag ikot at direkta sa tao. Maraming Salamat Zambales nakakataba ng puso ang pagmamahal at supporta nyo po sa amin. Ang mga akap na mahigpit nyo ang aming lakas.”

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.