Aiko Melendez, pasok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa 2019!

Aiko Melendez

BONGGA ang blessings na dumarating sa buhay showbiz ng aktres na si Aiko Melendez. Tila walang pahinga ang aktres dahil nang matapos ang afternoon serye niya sa Kapamilya Network a few months ago dahil sinundan naman ito ng isang drama film na official entry para sa darating na MMFF 2018 ay nakaabang na ang bagong primetime serye ni Aiko via Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano by the new year 2019.

Rest muna si Aiko sa bago magsimula ng ngaragan na taping work sa pagpasok ng bagong taon.

Sa isang tsikahan ng aktres with a few media friends last week, kwinento ni Aiko ang mga aabangan sa kanya ng publiko.

Aiko Melendez with boyfriend Mayor Jay Khonghun

Bukod sa kanyang bagong serye sa Kapamilya Network with Coco, magiging hectic ang schedule ng aktres pagdating ng campaign season lalo pa’t ang non-showbiz boyfriend niya na si Mayor Jay Khonghun from the town of Subic in Zambales ay tatakbo for a higher position for the May 2019 election.

Sa katunayan, for the love of her boyfie ay hindi na rin itinuloy ng aktres na mag-seek ng public office as councilor in Quezon City sa mga imbitasyon ng iba’t ibang partido.

Inamin ng aktres na kusang loob niya na tutulungan ang boyfriend niya sa kampanya at hindi ito hiniling ng boyfriend.

After actor Jomari Yllana (dad of Andre) at model Martin Jicain (dad of Martina); hopefully, this time ay sana si Mayor Jay na ang last na “Mr. Right” sa buhay ng aktres dahil I believe, Aiko deserve to be happy.

Recently, they celebrated their anniversary sa Japan.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.