Aiko Melendez, natatawa na lang sa naging ‘karma’ nila ni Jomari Yllana!

KAHIT NAMAN kung si Aiko Melendez ang tatanungin at bibiruin ay natatawa siya sa na-ging karma nila sa mga dinaanang pakikipagrelasyon nila ng kanyang ex-husband na si Jomari Yllana sa kung sinu-sino nilang minahal. Kasi nga, anumang lalim ng kanilang mga dinaanang pakikipag-ugnayan sa mga nagmahal din sa kanila, pareho ring sa hiwalayan nauwi ang mga iyon. Bilang dating mag-asawa, paulit-ulit na silang nagkasamaan ng loob, pero paulit-ulit ding nagkakabati.

Paulit-ulit nang naengkuwentro ni Aiko ang mga birong-tanong na papaano kung kahit nagkahiwalay sila ni Jomari, sa dulo pala ng mahabang kuwento ng kanilang buhay ay sila pa rin palang dalawa ang muling magkakabalikan? Ayaw pa-ngunahan ni Aiko ang mga ganu’ng sinasabi ng mga taong malalapit din sa kanila ni Jomari. Mas pinahahalagahan na lang niya ngayon, na dahil mayroon silang anak, si Andrei Yllana, ay ang ganda-ganda ngayon ng kanilang pagkakaibigan.

Sa ngayon, sa batayang dahil nagkahiwalay ay magkaibigan na lang sila ngayon, lagi pa ring nagsusuportahan ngayon sina Aiko at Jomari dahil sa kanilang anak na si Andrei. Nakakaya na rin talaga ng dating mag-asawa na magkasama sa project. Nitong huli, pareho na nilang sinusuportahan si Andrei sa pagpasok nito sa pag-aartista kung kakayanin na ng bagets. Katuwiran kasi ng dating mag-asawa ay makakahiligan nga ng anak nila ang showbiz, dahil sa kanilang dalawa nagmana.

MARUNONG NAMANG rumespeto si Derek Ramsay sa kapwa niya lalaki. Kaya kung anuman ang mga patuloy pang mga salitang nanggagaling sa bibig ni Angelica Panganiban na medyo hindi pabor sa kanyang pagkatao, hangga’t kayang magpigil ni Derek sa kanyang sarili ay pinalalampas na lang niya. Una sa lahat, babae ang kanyang bubuweltahan ng salita, at para sa kanya ay hindi magandang tingnan na nakikipagpatutsadahan ang isang lalaki sa babae.

Pangalawa, sa mga panahong ito, alam ni Derek na anumang salita na manggaling sa kanya na makasasakit kay Angelica, makasasakit din sa bago nitong karelasyong si John Lloyd Cruz. Para kay Derek, isang mala-king insulto sa bagong karelasyon ni Angelica kung mayroon siyang ibabalik na hindi magagandang salita para lang maipagtanggol niya ang kanyang pangalan, lalo na sa isyung hindi siya naging perpektong karelasyon nu’ng panahong sila pa ang mag-on.

Mahilig si Derek magpasaya ng mga tao sa kanyang paligid. Sa mga negosyo nga ng kanyang mga magulang, bilang anak ay mapagpakumbaba siya, na ang mga trabahador ng kanyang mga magulang ay kanyang pinakikisamahan. Maliit lang para kay Derek ang showbiz na nagpasikat sa kanya ngayon, kaya ayaw niya talagang humanap ng maraming magiging kaaway sa field na ito, dahil hindi iyon ang intensiyon niya. Ayaw niya ng magulong buhay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

4 thoughts on “Aiko Melendez, natatawa na lang sa naging ‘karma’ nila ni Jomari Yllana!

  1. mga etchusera kau bata pa yan mag mamatured din yan..di naman magbubunga ng kamatis ang santol gets nyo,ba? hihihi

    • HAHAHA. KORAK KA NAMAN, TEH. KASI, NA-JINGGIT TAN YATA SINA AIKO AT JOMARI SA MGA JUNAKIS NI MARJORIE, JINGGOY, GOV E.R., AT KUNG SINU-SINO PA NA NAG-AARTISTA NA NGAYON KAYA IPINASOK NA RIN ANG BATA SA SHOWBIZ. 

  2. yung anak nila na interview sa startalk last week, kamukha ni Aiko, mukha tuloy LESBIAN yung bata..at tsaka di marunong mamupo kay Joey…observed ko lang!

    • AY NA-NOTICE KO RIN. ANG LAKAS NG CONFIDENCE NG BATA. ALAM NYA RAW NA GWAPO SYA. HAHAHA. SYEMPRE, WAG NANG OKRAYIN KASI BATA NAMAN. PERO SA TRULILI HA, KUNG ANONG ITSURA NG MUDRA AT PUDRA, SYA NAMANG IKINAWALANG ITSURA NG BAGETS. MINSAN GANUN, LOOK NYO SI LT AT RUDY F. PARANG WEIRD-LOOKING (SORRY HA) ANG PANGANAY. YUNG PANGALAWA, GWAPO NAMAN. ANYWAY, YUNG ANDRE, MAS KAMUKHA NI AIKO ANG MGA MATA, PERO SA TRU LANG, HINDI ARTISTAHIN. WELL, BAKA MAGBAGO PAG NAG-MATURE NANG KAUNTI. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.