Aiko Melendez, nagpapayat para sa daring scenes sa bagong pelikula

Aiko-MelendezANG PAYAT na ni Aiko Melendez. Handang-handa na siyang sumabak sa daring scene niya sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions na ididirek ni Neal Tan kasama ang mga mas batang actor na sina Rodjun Cruz at James Blanco.

Pero hindi lang pala para sa paghahanda niya sa pelikula at teleseryeng The Story of Us ng ABS-CBN ang dahilan ng pagpapapayat niya.

“Naghahanda rin ako for a race for triathlon. So, swim, bike, run, and then box. First race ko will be on November. I have a lot of friends na nagta-triathlon. Sabi nila, ‘alam mo Aiko, para hindi ka hirap magpapayat and then magugustuhan mo pa, mai-enjoy mo pa, try mo ang thriatlon. Sabi ko, hindi ko kaya.

“I only know how to swim kasi swimmer ako dati, ‘di ba? Una, sinubukan kong mag-bike, nag-train ako for almost 3 weeks, tapos ngayon ang farthest ko na is 36,000 kilometers,” pagmamalaki pa niya.

May mine-maintin ding diet si Aiko at ayon sa kanya, “Hindi talaga kasi ako nagka-carbs, Leo, eh! So, mga 1 year and 2 months na wala akong rice, white rice. Kaya lang ngayon that I’m racing, I need to find other form of carbohydrates or else baka maging anorexic ‘yung itsura ko.

“Ang ipinapalit ko, carrots, potato minsan. Kapag kumakain ako ng rice, nag-e-LBM ako the following day, so hindi talaga. So, sabi ng dietician ko, mag-potato na lang ako instead of white rice,” sey pa niya.

At dahil sexy na ulit ang aktres, confident na rin daw siyang gawin ang daring scenes sa pelikulang Balatkayo.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.