Aiko Melendez, mas gustong matawag na prangka kaysa mataray

Aiko Melendez

Aiko Melendez

Palaban sa buhay si Aiko Melendez, dahil nakaranas din naman siya ng kakaibang hirap nung bata pa lang siya hanggang sa siya’y maging bagets at pasukin ang showbiz.

Isa sa pinakamalungkot na parte ng buhay ng magaling na aktres ay ang mahabang panahon na makita niyang parang nagiging talunan ang kanyang mommy noon na si Elsie Blardoney pagdating sa lovelife, dahil nagdalaga ang ex-wife ni Jomari Yllana, na hiwalay si Mommy Elsie sa yumaong dating actor na si Jimi Melendez. Kaya sa kanyang pagpasok sa showbiz ay dala niya ang kanyang katapangan.

Marami na ang nasampolan ng pagiging prangka ni Aiko. Pero kapag nakasama at nakilala mo na ang isang Aiko Melendez ay matutuwa ka, dahil napakatotoo niyang tao.

Sabi nga niya, “Kapag pala nasa showbiz ka ay hindi puwedeng malambot ka, dahil baka matapak-tapakan ka lang. Kilala ko naman ang sarili ko at marunong akong rumespeto sa kapwa ko na kaya rin akong irespeto. Ganu’n lang ‘yan.”

Mas pabor siya na matawag na prangka, kesa mapagbintangan siya sa pagiging mataray. Hindi lang kasi talaga siya showbiz kung makisama.

Kikay na kikay si Aiko. Sa ngayon nga ay pinagtatawanan na lang niya kung ano ang nangyari sa pagiging mag-asawa nila ni Jomari. Nang magkahiwalay silang dalawa ay mas naging okey ang kanilang relasyon bilang magkaibigan na malalim ang respetuhan dahil sa kanilang anak na si Andrei.

Pareho silang ilang pakikipagrelasyon na ang dinaanan, na nauwi rin sa pakikipaghiwalay. Pareho sina Aiko at Jomari na hindi na umaasa ng balikan, pero ang ginagawa nilang komedya ay kung bakit pareho silang laging nauuwi sa pagkikipaghiwalay sa mga nagiging karelasyon nila.

Hala ka! Ano ‘yan, Aiko?

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.