Aiko Melendez, made to look bad over ex-boyfriend Patrick Meneses?

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na now na! Heto na naman ang mga intrigang pasasabugin natin. Simulan na natin at ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa, dahil ito ang lumabas sa mga fanpage na talagang walang nagtitiwala sa dalawang ito sa Hall of Shame Awards (Official/ Partial Results) from Philippine TV Ratings Fanpage; Most Plastic Celebrity – Cristy Fermin (TV5) [693 votes]; Most Fated/ Disliked Celebrity – Willie Revillame (TV5) [1,113 votes].

Maloloka ka talaga sa Earth dito, ‘di ba? Kaya walang nagtitiwala sa mga ito, dahil may mga ganito palang botohan. Buti na lang talaga, natuto akong gumamit ng computer at marami tayong nalalaman at dumarami ang ating source na talagang gusto nilang mawasak ang mga ito, o para malaman ng mga tao na talaga namang walang nagtitiwala sa kanila… Kaya naman kung ako sa kanila, ‘wag na silang mag-feeling na maraming sumusuporta sa kanila… ang taray, ‘di ba?

‘DI BA NAKAKALOKA at ayaw niyang tigilan ang aking twin sister kasi nga nagulantang ang lahat noong nakaraang Linggo sa interview sa dating dyowa ni Aiko Melendez na si Mayor Patrick Meneses.

Bakit ang mga lumalabas ay si Aiko pa ang masama at siya talaga ang may dahilan kung bakit sila naghiwalay? At siya pa raw ang naninira.

Hindi nga ako mapakali at tinext ko ang aking twin sister, kung ano ang masasabi niya sa isyung ito. Ang sagot lang sakin ni Aiko, hindi pa raw siya ready na mag-comment, hindi pa raw talaga siya ready. Mas gugustuhin nga raw muna niyang manahimik.

‘Di ba, nakakaloka ang mga intrigang ito? Ayaw tantanan… kung sino pa ‘yung nananahimik eh, ‘yun pa ang bonggang iintrigahin… hahaha! Pati ang pagkatalo ni Aiko Melendez noong nakaraang eleksiyon ay pilit na iniintriga.

Hirap nga naman… when money talks, everybody listen.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong beauty queen na ‘to, na nakakawindang talaga ang kanyang skin?

Akala mo, kung sa TV ay magandang-maganda ang kinalabasan, ‘yun pala, hirap na hirap ang kanyang stylist! Naku, huh! ‘Di maganda ‘yan…

At heto pa, may kaitiman din daw kasi ang kanyang underarms. Talagang maitim at may something pa… ano ba naman ‘yan?!

Marami ka nang ini-endorse na mga produkto eh, ipaayos mo na rin ang mga dapat mong ipaayos. Kaso ang gusto ng lola mo ay natural beauty lang, hahaha! Ikaw na ang winner!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Aiko Melendez, made to look bad over ex-boyfriend Patrick Meneses?

  1. Punta kayo doon sa hatawtabloid.com under showbiz column, may blind item si Peter A doon about Aiko kung sino ang behind all these and it makes sense nga kung sino ang root ng problem na ito. Punta kayo doon.

  2. @tanya, agree ako sa yo, kisihudang crispy pata na fear-mean. Kaya mababa ang ratings ng Juicy maski they moved it to a better timeslot dahil sa presence ni pata, maraming taong galit sa kanya at ang ratings nila tig 0.4, 0.6, 0.8 at balik naman sa 0.4, at saka rin yong Paparazzi, mababa rin ang ratings dahil kay fear-mean tig 1.6, 1.8, 1.4. Ano bang klaseng utak ang mga executive sa TV5 na yon, ni hindi man lang makuha na ang fear mean ang bad news sa station nila. Bobo kaya ang tawag doon or tanga kaya!!!!! :-(

  3. yang se fermin wala talagang magawang mabuti. para lang sa ratings ay kinailangan pang manira ng isang tao na nananahimik naman. hindi ko talaga ma-gets kung anong klase ng tao itong si fermin. nakakatulog pa kaya siya sa kanyang ginagawa. kumikita sa pamamagitan ng pagga wa ng gulo. hindi kaya ito nahihiya? dapat mawala na ito sa mundo ng showbiz, isa siyang malaking virus.. Aiko dapat idemanda mo yan!!!!!

  4. Hay nako, siguro nga tatabangan rin ako kung matutuklasan ko na ang asawa ko eh bading pala. Siguradong idi-divorce ko siya.

  5. Kadirika: Oo nga..totoo ang sinabi mo..ano ang masama kung bakla ang isang tao! Kung yung sinabi nyang “I’m confident and sure of my being a man”..well yung parang ganoon, at hindi na niya dinugtungan eh tapos na.  Pero dumakdak pa and naging defensive.  A true man (woman, bakla or tomboy) will not dignify or elaborate more. Kung confident ka sa sarili mo..wala kang dapat i-explain. Kung ang gusto niyang iparating eh, makakasira sa pangalan niya or sa position niya..hello..nakaupo na siya eh..ano pa ang masisira..kung totoong binoto siya ng mga tao..naniniwala sila sa kanya at kahit ano pa ang pagkatao niya basta ba hindi nananakit ng kapwa, nag-aagribyado, nandadaya at corrupt..eh ok pa rin siya.  May I demanda pa..eh hindi naman naka-publish iyong DM nila Aiko for the public..private nga and malay ba nila kung naglolokohan lang yung mga iyon sa messages nila.  Weird guy!

  6. anong masama kung bakla ka? kasiraan ba to ng puri mo? kelan pa naging libelous ang pagsabi na bakla ka….eh ano ngayon? kung sinabihan kang bakla ka.. eh di sabihin mo hinde. period. in the first place.. anong masama kung bakla ka? ano din ang masam kung hinde ka bakla? ang problema defensive masyado eh ang totoo wala nman talgang problema kung bakla ka o hinde.. kesyo totoo o hinde…just say no na lng meneses.. hahahha or say yes? lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.