Aiko Melendez, kinasuhan ng libel ang vice governor ng Zambales

Aiko Melendez

NAGSAMPA ng libel case ang aktres na si Aiko Melendez laban sa vice governor ng Zambales na si Angelica “Angel” Magsaysay-Cheng nitong Martes, May 7, sa Olongapo Regional Trial Court.

Ang dahilan ng isinampang kaso ay ang pagdadawit ng vice governor sa pangalan ni Aiko at bilang “sangkot sa droga.” Ipinapakita ito sa sa ilang public film viewing ng kampo ng incumbent vice governor habang nangangampanya sa Zambales.

Si Aiko ay boyfriend ni Jay Khonghun na tumatakbo namang vice governor sa Zambales at matinding kalaban ni Magsaysay-Cheng.

Base sa kopya ng complaint-affidavit ni Aiko ay nakasaad dito na,  “On or about MAY 2, 2019, in Subic, Olongapo, Zambales, Complainant discovered that respondent Magsaysay-Cheng created a mobile video exhibition with online postings on Facebook.com, containing false, libelous, and defamatory accusations against herein complainant…”

Ayon pa kay Aiko, ang mga akusasyong ito ay labis na nakasira sa kanyang reputasyon. Matatandaan na taun-taon ay nagpapa-drug test si Aiko at ipino-post pa niya sa social media ang resulta nito.

Sa latest post ni Aiko sa kanyang social media accounts ay muli siyang naglabas ng sama ng loob sa ginawa sa kanya ng kalaban ng kanyang boyfriend sa pulitika.

“Maraming pagkakataon pinalampas ko na ang Paninira at pagpaparinig mo sa akin. Andyan me sakit ako sa balat, Jade.. But not this one.

“Para isangkot mo ako sa droga! This is too much.

“I filed a libel case against Angel Magsaysay – Cheng. Wala ka na awa basta nalang makasira ka ng tao kahit wala ka ebidensya, Basta makasakit ka nalang ng kapwa mo.

“Para paikutin mo sa zambales ang puting van na me picture ko na sangkot ako sa droga, ang nagtulak sa akin para ipaglaban ang karapatan ko bilang tao.

“If you can do this to me paano ba ang ibang tao na di kaya magkaroon ng abogado? I was assisted by my lawyer Atty Carlo Alentajan this morning.

“Sobra ka na. May this be a lesson also not just for you but to anyone who is so quick to judge and spit their words without any evidence.

“Attached is my latest Drug test Result. Sinabihan na kita na di kita sasabayan sa kabastusan ng diskarte. Dadaanin ko to sa legal na pamamaraan.

“Hindi na ako papayag na apakan mo pagkatao ko at babuyin ang pangalan na iniingatan ko ng pagkatagal tagal. Tama na ang pang aapi mo sa akin,” mahabang post ng aktres.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.