Aiko Melendez, inayawan ang duet kay Jomari Yllana by Ogie Diaz

“Naku, ang baklang Tonton (Gutierrez), nakakalokah, huh!  Ayaw muna niyang tumanggap ng ibang taping bukod sa regular show niyang May Bukas Pa, huh!

“Me alok siyang mag-MMK, ayaw ng potah.  Kasi raw, 3 times a week na ang taping, ipapahinga na lang daw niya ‘yon.  Hindi naman daw siya naghahangad na yumaman nang yumaman. Simple lang daw ang buhay niya, kaya ang ending, lumipad ang MMK tuloy.

“Juice ko, ‘Day, mahal na mahal niya ang May Bukas Pa, ‘Day, kaya kahit pagalitan ko ang potahng bakla dahil nawala tuloy ang komisyon ko, eh, kung siya naman daw ang magkasakit, dahil wala na siyang tulog.  Itutulog na lang daw niya ‘yung ibang araw niya!”

Hahahaha!  Sino pa nga ba ang magdadayalog ng ganito, kundi si Ate Lolit Solis na hinayang na hinayang sa komisyon sa guesting sana ni Tonton.

Kay Aiko Melendez namin nalaman na kasali sa bagong season ng Celebrity Duets si Jomari Yllana.  “Iniimbita nga ako ng lolo mo na makipag-duet sa kanya, hahaha!  Nako, ‘wag na, ‘no!  Baka me mag-react!”

Hindi man sabihin ni Aiko, feeling namin, si Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses ito, dahil wala pa namang “official” girlfriend si Jom, eh.

Aliw na rin si Aiko, dahil okay na okay sila ng kanyang dating asawa.  Sa shooting nga ng movie nila kung saan gumaganap sila bilang parents ni Ogie Alcasid sa tambalan nito with Michael V, eh, napasyal kami, eh.

In fairness, okay na okay ang kanilang tsikahan.  Si Jom, ang tawag pa rin kay Aiko ay, “Mama.”  At si Aiko, ang tawag pa rin kay Jom ay “Jom” pa rin.  He!He!He!.  ‘Kala n’yo kung ano na, ‘no?

Ay, oo nga pala, meron kaming lilinawin sandali, ha?  ‘Yung minsang na-banner story dito na ka-holding hands ni Pops Fernandez sa picture ay si QC District 3 Councilor Wency Lagumbay.

Kahit hindi namin itanong kay Wency at kay Pops ay alam namin ang totoo.  Hindi sila mag-on. Wala silang relasyon.  Magkaibigan lang sila nang bonggang-bongga.

Nagkataon lang na nakunan silang magka-holding hands. Siyempre, iisipin mo nga naman, since wala na sila ni Jom, eh, baka nga dyowa na ‘yon ni Pops, ‘di ba?

Maniwala po kayo sa amin, hindi sila mag-on, promise.

The end na pala ang drama ng Lipgloss, ‘no? Me nagtsika sa amin, last week na huling nag-taping ang naka-three seasons din yatang youth-oriented TV show sa “Shake Mo TV mo,” ang Channel 5.

Saan na kaya pupulutin ang mga bagets na du’n na nakilala at ‘yung mga bagets na ang tagal na du’n, pero hindi pa rin nakikilala?  Sana’y bumalik na lang sila sa pag-aaral at ‘wag sana naming mabalitaang “nagbebenta” na sila ng “laman” sa mga bading o sa matrona o sa mga DOM.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz” with Ms. F sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din nang bonggang-bongga sa www.dwiz882.com, 11-12 nn

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Aiko Melendez, inayawan ang duet kay Jomari Yllana by Ogie Diaz

  1. Ogie Bading, tahimik ka ata ngayon sa paninira kay Marian at sa (bagong)Darna?!?!?! Paano, alam mo na mataas ang rating, at ayaw mong mapansin pa na “talo” sa ratings ang serye na kung saan ka kasali…….

    • Graphics……

      Graphics……

      Graphics……

      Graphics……

      Graphics……

      Graphics……

      ANG Darna mo…”’

      Panolo Parin C Bro..

  2. ms. pops, wrote in her blog site that it was’nt true at all..
    councilor w. lagumaby is part of her barkada…

    so there you go…

Leave a Reply

Your email address will not be published.