Aiko Melendez, ibinalandra na sa social media ang bagong boyfriend

Aiko Melendez and Boyfriend Shahin Alimirzapour
Aiko Melendez and Boyfriend Shahin Alimirzapour

Akala ko noong una, si Shahin Alimirzapour ay ang lalaking nakikita namin na kasa-kasama ni Aiko Melendez sa sa mga photos na pinu-post niya sa kanyang Instagram account noon.

‘Yun pala, ibang foreigner si Shahin. ‘Yung una na tinutukoy namin ay si Mario Claudio na akala ko noong una ay sila na nga ng aktres.

‘Yun pala, pumalya ang sinisimulang romansa ni Aiko at Marion at hindi sila nagkatuluyan ng Italian (boyfriend?)

The other day sa kanyang IG account, sinigurado na ni Aiko Melendez na si Shahin Alimirzapour na ang lalaki sa buhay niya. Sa kanyang IG posting, maikli man pero diretsahan ang pahayag niya: “Starting a new story and Journey with @shahin_mirzapour_ no explanation needed…” na sinundan ng tatlong heart icon ang kanyan caption sa picture na magkatabi silang dalawa ni Shanin na ngayon ay nagkalat na sa social media.

Si Shanin ay isang Persian (Iranian) businessman. Nagkakilala sina Aiko at Shanin thru a friend ng aktres.

Kung maalala pa, ang last official relationship ni Aiko kung saan nagpakasal siya ay kay Martin Jickain at nagkaroon ng sila ng isang anak na babae.

Si Aiko ay may anak din sa aktor na si Jomari Yllana na siyang una niyang pinakasalan.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleToni Gonzaga, kinailangan pa ang approval ng doctor bago sabihing buntis siya
Next articleAlden Richards at Maine Mendoza, magbibida sa remake ng Koreanovela “My Love From The Stars”?

No posts to display