Aiko Melendez, hinding-hindi raw magiging stage mother kay Andrei Yllana

Aiko Melendez, hinding-hindi raw magiging stage mother kay Andrei YllanaNag-workshop na at nag-pictorial na for Star Magic ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei Yllana. Ayon sa aktres, hinding-hindi rin daw siya magiging stage mother sa anak na tulad ng ibang nanay sa showbiz mother.

“Wala nga ako sa pictorial niya, eh. Kaya nga sina Pepsi Herrera at ang Star Magic ang pinabayaan kong mag-manage on behalf of me.

“Kasi ako, kumbaga, calls lang ako. ‘Yung tipong ‘Anak kumusta ka na, kumain ka na ba?’ mga ganu’n lang. Pero ‘yung para makialam, ayoko. At ayaw rin ni Andrei.

“Ayoko rin kasi namang isipin niya na mama’s boy naman siya… ayoko. Gusto ko siyang bigyan ng freehand,” balita ng aktres.

Kanino ba mas nagmana si Andrei sa kanila ni Jomari?

“Magkakaalaman ‘yan in the future, Mother Leo. Kasi nakita ko pa lang siya sa isang video, ang acting niya parang ang mata ni Jomari, eh, ‘di ba? Pero may mga mannerism siyang Melendez, kaya exciting,” sagot ng aktres na napanonood sa seryeng “The Story of Us” nina Kim Chiu at Xian Lim.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.