Aiko Melendez, handang tumulong kay Deborah Sun at sa kapatid sa ama

Aiko-MelendezNARINIG KO ring nangangailangan din daw ng tulong si Deborah Sun. Naging kaibigan ko rin itong si Deborah at mabait naman ito, eh. Hindi nga lang nabigyan ng mga sunud-sunod na projects kaya kinapos din.

Ang balita kasi, naputulan daw ito ng kuryente at tubig kaya nangangailangan na talaga.

Dagdag pa sa problema niya ay ang kalagayan ngayon ni Jam Melendez na ang balita ay lulong na raw ito sa droga.

Nahuli na nga ito noon at isa pa sa tumulong sa kanya si Aiko Melendez. Pero bumalik pa rin daw sa dating bisyo.

Kailangan daw nitong ipa-rehab, pero saan naman kukuha ng perang pampa-rehab si Deborah.

Nakausap ng Startalk si Aiko, at nagulat siya sa nabalitaan niya, Close naman daw siya kay Deborah, at gusto rin daw niya itong tulungan. Pero pagdating sa kanyang kapatid, sana makita naman daw niya kay Jam na gusto na nitong magbago.

Nandiyan lang daw siyang willing tumulong, pero ate raw siya, dapat si Jam na raw ang magkusang lumapit.

Binubuo ng Startalk ang kuwentong ito. Kaya abangan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.