Aiko Melendez ex-boyfriend Bulacan Mayor Patrick Meneses is seen with Ana Roces!

MARAMI ANG NAINTRIGA nang sabay na dumating ang ex-boyfriend ni Aiko Melendez na si Bulacan Mayor Patrick Meneses at ang aktres na si Ana Roces sa birthday party ng kolumnista at talk show host na si Cristy Fermin held recently at Zirkoh in Tomas Morato, Quezon City. Tuloy, ang tanong kaagad ng media, sila na ba?

“Mga kaibigan ko ‘yong kasama ko,” natawang sabi ni Mayor Patrick nang usisain namin.

Kumusta na ba sila ni Aiko ngayong ongoing ang pagdinig sa mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa?

“I cannot talk about it. Kasi meron ngang gag order, e.”

Aware ba siya na natsi-tsismis sila ni Ara Mina? May mga instan-ces daw lately na nakikita silang magkasamang nagdi-dinner.

“Hindi. Kasi si Ara, girlfriend siya ng bestfriend ko. And, ah… magkakasama kami sa group. Barkada.

“Matagal ko nang bestfriend ‘yong boyfriend ni Ara. Eversince no’ng college days pa namin.

Eh, si Ana Roces? Bakit all of a sudden ay biglang sila ang magkasama sa pag-attend ng birthday ni Tita Cristy?

“Ana is a good friend. She’s really a good friend,” matipid na sagot ng guwapong alkalde.

Shocked naman si Ana Roces dahil hindi niya inaasahang malalagyan ng ibang kulay nga ‘yong magkasama silang dumating ni Mayor Meneses sa Zirkoh.

“Hindi naman kaming dalawa lang,” aniya. “Kasama rin namin ‘yong isa pang friend namin na si Chyna. Bale kaming tatlo ang magkakasama. At matagal na kaming magkaibigan.

“Ano ba’yon? Akala eh, magka-date kami? Hindi. Ha-ha-ha! Hindi talaga.

“Friends lang kami. At saka… may boyfriend ako. Ano ba? Ha-ha-ha!

“Huwag n’yo na lang itanong kung sino ‘yong boyfriend ko because I won’t tell you. Hindi naman kasi siya showbiz,” sabi pa ni Ana.

“Ganyan?

 

MATAGAL NANG NAPAPABALITANG may planong isapelikula ang lifestory ni Hubert Webb. Pero until now, wala pa palang pormal na alok o negosasyon tungkol dito coming from any interested movie producer.

“Wala pa,” sabi nga ni Hubert recently nang makakuwentuhan namin. “Sana nga merong mag-offer kasi kailangan ko ng ano… e,” pera ang ibig niyang tukuyin.

Dati, nagpahayag na ng interes ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo Caparas sa pagsasapelikula ng buhay niya?

“Yeah! I heard. Way before… they asked me. Way way back before.”
So what happened?

“I don’t know. They haven’t contacted me yet, e.”

But he welcomes the idea nga sa pagsasapelikula ng kanyang lifestory?

“Of course! Bakit hindi?

“Maganda na malaman ng mga tao talaga kung ano ang sitwasyon natin dito. Kung ano ang naging buhay ko. Kung ano ‘yong mga dinanas ko.”

Kumusta na ba ang takbo ng buhay niya? Bumabalik na ba sa normal?

“Oo. I’m going to school na.

“I’m learning about cars… mekaniko. After that, hopefully, if I do well, I’d probably open my own shop. ‘Di ba? Kasi since before pa, iyon ang gusto ko.”

Bakit ba pagmi-mekaniko ang nagustuhan niya?

“E, kasi since I was small, mahilig na ako sa cars. And… oo nga, medyo late na ang pag-aaral ko, ‘no?” natawang sabi pa ni Hubert.

“Pero at least, it’s never too late sa kung ano ‘yong dream mo, di ba?”

Kung meron siya ngayong sobrang ipinaninibago sa buhay outside prison, ano kaya ito?

“’Yong traffic! Three hours ako papunta rito. Grabe!” natawa na naman si Hubert.

How his lovelife naman nowadays?

“Okay naman.”

Sinong date niya? Meron kasing non-showbiz girl siyang kasama na dumistansiya sa kanya nang lapitan na siya ng media.

“Buti nga hindi n’yo kinunan. Kasi bawal, e. Pero meron na,” may lovelife siya ngayon ang ibig niyang sabihin.

“Hopefully next year, we’ll get married. Kung tatanggapin niya kapag nag-propose na ako.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

3 thoughts on “Aiko Melendez ex-boyfriend Bulacan Mayor Patrick Meneses is seen with Ana Roces!

  1. nakakatawa tong mayor Patrick.. masyadong ma showbiz, ituon mo nalng sa bayan mo ang serbisyo para maalis sa kahirapan, napag iiwanan na ang bulacan2. Sure na sa susunod na election talo kana..

  2. Hay naku, pwedi ba alisin na anino ni aiko yan mayor na yan. sus artista kaba? ‘ LIgawan mu nala si crisnty fermin..mas bagay kayo. buti wala na kayo..di hamak naman mas gwapo ang mga ex hubby nya kasa syo.

  3. Grabe naman ang drama nitong c Mayor, bading na bading ang dating talaga pero natsitsismis sa mga magandang matrona. Daig pa ang Ate Noy nya ah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.