Aiko Melendez, biktima ng carnap!

TINUTUGIS NGAYON NG Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit ang responsable sa pag-carnap sa sasakyan ng aktres at vice-mayoralty candidate na si Councilor Aiko Melendez kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa isang kasambahay ng aktres, bandang alas-10:00 ng umaga nang mawala ang puting Toyota Fortuner ng konsehala.

Nakaparada ang sasakyang Toyota Fortuner (LEV 498) sa tapat ng bahay ng aktres ngunit nang lumabas ang kanyang driver ay wala na ang sasakyan. Nakarehistro ito sa kanyang kapatid ngunit ginagamit ng buong pamilya.

Ayon sa ilang testigo, may sumakay umano sa sasakyan at mabilis itong pinatakbo. (Bendict Abaygar, Jr.)

loading...

2 thoughts on “Aiko Melendez, biktima ng carnap!

  1. Hoy! Isa kang malaking EpaL Applepie!! di na need ni aiko gumimik dahil kahit di yan gumimik mananalo prin si Aiko sa susunod na election!Inggit ka lang Isa ka kasing Gamol Applepie!!pwe!!!!…lolz))))

  2. gimik lang ni aiko yan CARNAP ME lang yan sa harap ng bahay tapos maliwanag pa paano mawawala tapos nakita sa payatas na wala naman nawala sa sasakyan gimik lang yan para mapansin ka aiko.yan ba turo ni mike defensor sayo?kung talagang na carnap yan sigurado wala na sa quezon city yan chopchop na.tama ng ang publicity di kakagatin ng tao yan

Leave a Reply

Your email address will not be published.