Aiko Melendez, ban no more in San Miguel, Bulacan

 

BLIND ITEM: SUPER hate ng isang guwapong aktor ang kanyang legs, sa totoo lang. Kung ano’ng inilaki at iginanda ng matipuno niyang katawan ay siya namang itsiniken ng legs niya.

Eh, ang projection niya kasi ngayon (bilang pagsubok sa bagong image) ay action star siya. Kaya naninipisan siya sa kanyang binti.

‘Pag naka-maong siya, bumabakat ang nipis ng binti niya, and he hates it. Really.

Kaya ‘pag magte-taping siya, alam n’yo ba kung ano ang ginagawa niya? Dalawang maong ang suot niya para magkaroon ng kapal ang binti niya at umusli pa ang puwet niya.

Kaya ang mga bading sa set, medyo napapatingin din sa kanyang “kargada” dahil “Felix Bakat” ang drama nito. ‘Yun pala, magkapatong na maong ang kanyang suot-suot.

Kami naman, hindi namin ito ibina-blind item para pagtawanan ito. Siguro, bahagi na rin ito ng kanyang career level-up, kaya kesa mag-spend siya ng matagal na workout sa chicken legs niya ay niremedyuhan na lang niya.

Ang makahula nito, bibigyan ko ng virtual flower.

 

“AKALA KO TALAGA nu’ng una, galit sa akin si Mayor, pero when you told me na friend mo si Mayor at okay sa kanyang mag-courtesy call ako sa kanya, that’s what I did.

“In fairness, winelkam ako ni Mayor. Natutuwa nga siya, dahil nagkita kami. Mabait si Mayor, mother,” tsika sa amin ni Aiko over the phone.

Sinusulat namin ‘to kahapon ay nagte-taping si Aiko ng Reputasyon (starring Cristine Reyes) sa munisipyo ng San Miguel, Bulacan at tamang-tama na nandu’n si Mayor Roderick Tiongson.

Gumaganap na asawa ng governor (played by Emilio Garcia) si Aiko at sa San Miguel, Bulacan ang taping.

“May ibang mayors nang nagtatawagan sa akin para sabihing binabawi na nila ang persona non-grata sa akin dito sa Bulacan. And one of them is Mayor Tiongson, sobrang grateful ako sa kanya, dahil naintindihan niya ang pinagdadaanan ko.”

 

ANG BILIS NG technology, grabe. Dati-rati, since sanay kami sa makinilya o typewriter, iniisnab pa rin namin ang computer. Pero na-realize namin noon, kung hindi kami sasabay sa agos, lalong hindi namin maiintindihan ang mga nagaganap sa paligid.

Eh, syokot pa naman kami sa cliche nang “You cannot teach old dogs new tricks.” Kailangan, open-minded kami.  Whether we like it or not, kailangan ding kaming matuto sa mga bagong gadgets para magmukha kaming bagets at heart at hindi kami malipasan ng panahon.

Actually, hindi lang naman dapat sa takbo ng teknolohiya ka sumasabay, eh. Sabay ka rin dapat sa trend (kahit hindi sa outfit). Trend as in kung ano ang uso ngayong ugali.

Kung salbahe ka noon, pakabait ka na ngayon. Kung mabait ka na ngayon, mas magpakabait ka pa, dahil ‘yon ang kalugud-lugod kay Lord.

‘Wag paurong ang pagtanda. Hindi na uso ‘yung kailangang mag-imbento ka ng paninira para lang sirain ang reputasyon ng isang kinaiinisan mo.

Kung gano’n ka nu’ng araw, ngayon naman, ipagpasa-Diyos mo na. ‘Wag ka nang gumanti, dahil ‘pag naisip mong gumanti, para ka na ring naniwalang natutulog lang ang Diyos.

Sa panahon ngayong kung anu-ano ang sumusulpot, lalo na’t kung anu-ano ang nauusong sakit na nu’ng araw naman ay walang gano’ng uri ng sakit, ba’t hindi natin gawing makabuluhan ang stay natin sa mundo bago man lang tayo kunin ni Lord, ‘di ba?

Baka naninibago kayo sa amin, ha?

Kung dati’y mataray kaming reporter, ngayon, we choose our battle. ‘Pag nagagalit kami, dapat, karapat-dapat ang galit namin.

Lagi na lang naming iniisip na, “Ayaw ng wrinkles ng ganyan!”

Higit sa lahat, kaya nating gawin ito nang walang bayad para magaan lang ang buhay as in good vibes lang. Ngumiti ka.

Now na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Aiko Melendez, ban no more in San Miguel, Bulacan

  1. Pucha naman Ogie. Ini-‘English pa kasi ang title. Dapat, “banNED no more” hindi “ban no more”. Ang lakas-lakas ng loob niyong mag_English ayaw niyo namang panindigan!

  2. sagwa ni aiko,,ang taba ,,but still pretty,,love her face,,…sana ppayat sya,,panong hindi sya iiwan ng guys,,nakakalosyang ang katabaan ng isang babae..heheh,,gaya ni SUNSHINE DIZON,,ROSANA ROCES,,..KATYA SANTOS,,ARAMINA,,JANICE DEBELEN..ang daling tumaba,,nila,,pangit tingnan sa tv,,sana mging concious sila,,artista sila e,,hindi naman common na tao,,,watch for it,,

  3. we love aiko,,prety at magaling na actress,.kaya lang we never thot na papakasira din sya dahil sa mga guys at lovelife sa showbiz,,na mabibiktima din say ng kalandian nya,,wahahah,,nagbilang din,,sus!well,,gud for aiko kase maayos naman yata ang samahan ni jomari at martin jickain para sa mga aanak nila,,,diba,,sustento diba??hehehe,,,well,i think,shes alos a gud mother sa mga anak niya,,sana mana lang plsss,,papayat ka,,aiko,,kase,,mas bagay sa kanya ang payat,,bakit hirap nyang papayat,,look at the braso,,,pang mother role,,heheheh,,,,we miss her,,sana tlaga more movies at tv series,,,sana si ROSANa ROCES din,,,we miss them,,

    kakatuwa sila ni PATRICK MENESES,,after all,,may ganyang immatured na act na may libel kuno na nalalaman pa,,heheh,,para silang bata,,na ewan,,nagsama sila ng maayos nag break lang may ganyang kasiraan na,,nega tlaga sila,..itong si patrick,nababaliw na siguro,,wahahah,hindi naman sya bakla bakit naghihimutok siya,,,hindi nya naisip nasa pulitika sya,,at madaming nega na tao na inggit at insecure na posibleng manira sa kanya,,,kala ko smart sila ni aiko,,bobito dinpala,,!!wahahhahhhindi nalang maghiwalay ng maayos at wala ng pakialaman,,at magtrabaho ng decent at proffesional,,lalo na si patrick,na sana madaming magawa sa bulacan,hindi yang pashowbiz na ganyan,,,aiko,,be smart in choosing guys,,or better wag na,,nagmistulang pokpok kana,,ginagamit kalang ng mga guys,,,laspagin,,,!!better stay focus sa mga anak mo at sa dyos ,,yun lang naman e,,,

  4. Inay ko! para siyang labandera dito sa pic! Saan niya nabili ang kortina na ‘yan? sa Divisoria?

  5. ano ba naman yung picture, di na makilala kung sino si Aiko dyan at parehong 45 ang bewang at namumutok ang mga labi

  6. KAKATAWA KA NAMAN OGIE! NABABASA MO BA ANG SINUSULAT MO? NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO? NATAKOT SA MGA DEMADA ANO??? IKAW KASI, WALA KANG UTANG NA LOOB. TINITIRA MO KASI ANG MGA TAONG TUMULONG SAYO! MAPAG IMBENTO KA RIN KASI!!! AMININ NYO NA NI AIKO AT NG IBA PA NINYONG KASANGKOT NA TALAGANG BINALAK NYONG SIRAIN SI MAYOR PATRICK! MAKULONG KA SANA!!!

  7. Tama ka Ogie kailangan ngayon mag pakabuti at iwasan mkasama ng tao, if nagkamali man dapat itama at wag
    mag husga.. lalo’t alam mo rin na di ka perpecto tao. Hope matapos na kaso ninyo ni aiko.

  8. nababasa mo ba itong sinasabi mo sa article mo? Nangaral ka pa eh diba ikaw ang ULTIMONG isang MANINIRA….. Kaya kaliwat kanan ang LIBEL CASE mo ngayon tsk..tsk..tsk…. Natawa ako sa sinabi mong ” HINDI NA USO YUNG KAILANGAN KANG MAG IMBENTO NG PANINIRA” hahahaha… kinakain mo lang mga sinasabi mo.

  9. walang panahon sa aiko na itild! grabe nakailang palit na ng lalaki! kahit bakla sinaswak ng hitad! ang leevug moh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.