Aiko Melendez at Jomari Yllana, kinikilig pa rin sa isa’t isa!

BALITA NAMIN MULA sa isang mapagkakatiwalaang source na pagsasamahin daw sa isang teleserye ng ABS-CBN sina Zaijian Jaranilla, Mutya at Xyriel Manabat.

S’yempre, mangyayari ang pagsasamang ito ng tatlong child superstars ngayon ‘pag natapos na ang 100 Days to Heaven na pinagbibidahan ni Xyriel along with Jodi Sta. Maria and Coney Reyes.

Pero totoo nga ba ang tsika sa amin na inspired diumano sa Koreanovelang Pure Love ang 100 Days to Heaven?

Forty-nine Days daw talaga ang tunay na title ng Pure Love, ayon sa aming reliable source.

 

FINALLY, MAGKAKASAMA NA sa isang show ang dating mag-asawa na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana!

Well, guesting lang naman sa Gandang Gabi, Vice sa darating na Linggo ang kauna-unahang pagsasama nina Aiko at Jom sa TV.

Marami raw bukingan na magaganap sa pagitan ng dalawa, lalo na nu’ng magkarelasyon pa sila.

Sa saya raw ng taping ng dalawa sa show ni Vice Ganda, agad nag-tweet ang aktres matapos ang taping last Wednesday, “Now lang i realized ang dame pa pala kinikilig sa team up namen ni jomari buong studio ng gandang gabi vice kinilig…”

Isinama ni Aiko sa studio ang anak nila ni Jom na si Andre at ang isa pang anak nito na si Marthena sa isa pang ex-husband n’yang si Martin Jickain.

May family picture pa ang apat sa kanilang dressing room.

Speaking of Vice Ganda, natawa kami sa sagot n’ya nang tanungin namin s’ya kung minsan na ba s’yang nakapagbigay ng motor, as in motorsiklo, sa isang lalaki na nakarelasyon n’ya noon.

Walang patumanggang um-oo naman ang prankang komedyante.

 

ABALANG-ABALA ANG LONG-TIME partner ni Tito Boy Abunda na si Bong Quintana sa sunud-sunod na proyektong ginagawa nito para sa PAGCOR, kung saan s’ya ang assistant vice president for entertainment, gaya ng coronation night ng Miss Casino Filipino na gaganapin na bukas ng gabi sa PAGCOR Grand Theater sa Parañaque.

Thirty-eight years na pa lang magkarelasyon sina Tito Boy at Bong sa darating na November 3, five days after ng kaarawan ng una which is October 29.

Pero wala pa naman daw silang plano sa kanilang 28th anniversary, dahil pareho silang sobrang busy sa kani-kaniyang mga trabaho.

Kapag umuuwi raw ang TV host sa kanilang bahay mula sa trabaho, tulog na raw s’ya. Ki-nabukasan naman daw ‘pag papasok na s’ya ng opisina ay si Tito Boy naman daw ang mahimbing na natutulog pa. “But the communication is there (thru text or call), kahit hindi kami madalas magkasama ng matagal,” kuwento ni Bong.

Pati sex life nila, pinuntirya namin. Game namang sumagot sa amin si Bong. “Okey ang sex life namin. Medyo matagal na. Less than a month ago. May mga nakaw na sandali rin kami ni Boy sa bahay.”

Lahat daw ng kanilang anniversaries taun-taon ay memorable at espesyal, ayon kay Bong.

On their 27th anniversary last year, binigyan daw s’ya ni Tito Boy ng 27 Equadorian roses with 27 packs of Kisses chocolates na almonds at milk chocolate ang flavors.

Ang tatanghaling Miss Casino Filipino 2011 pala ng PAGCOR ay ire-represent ang bansa sa Queen of the World beauty pageant sometime in December this year in Germany.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Aiko Melendez at Jomari Yllana, kinikilig pa rin sa isa’t isa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.