Aiko Melendez at Ara Minda, pinagsasabong – Tita Swarding

MARAMI ANG NAGPAPASABONG ngayon sa dalawang actress na sina Ara Mina at Aiko Melendez sa pulitika. Naku, ha ! Kung noon, sa lalaki sila nagkabanggaan, ngayon naman sa pulitika dahil tatakbo nga raw si Ara sa lungsod ng Quezon City. Ang nakakaloka ay kung magkapartido sila. Ha ! Ha ! Ha ! Sumasama si Ara  ngayon sa mga medical mission na kasalukuyan ginagawa ng PCSO at pansamantalang kinukuha ang mga simpatya ng mga tao sa Quezon City. Nakakaloka, ha! Ganu’n din ang ginagawa ng aking twin sister na si Aiko, hindi rin pahuhuli sa pag-arangkada, kahit marami itong makakalaban sa pulitika hindi aayaw ang konsehala dahil ayon sa kanya, may napatunayan siya. Nag-iikot rin at kinukuha ang pulso ng buong Quezon City. Naku, mga kafatid,nakakaloka na keri pa niyang mag-ikot sa kanyang mga project kahit kasalukuyang nagpo-promote rin ito ng pelikula niya with Michael V at Ogie Alcasid kasama ang dyowa niyang si  Jomari Yllana. Very civil ang dalawa dahil sa anak nila.

Ang tanong ng karamihan,sino ang iboboto ni Jom, si Ara o si Aiko. Naku, ‘yun na!

Sub host sa Wowowee, hindi type ng mga tao

Marami ang nagkakagusto sa Wowowee ngayon at kering keri naman ito nina Pokwang, Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez at marami ang mga artista na nabigyan ng pansamantalang exposure, ‘ika nga dahil kahit papano o minsan lang silang nakita sa TV,eh, nabigyan pa sila ng chance na maipakita ang kanilang talent sa pagho-host. Hindi na kailangan ang isang mayabang na host gaya ni Willie Revillame dahil wala namang nagbago. Ibig sabihin, hindi kawalan ang isang Willie Revillame sa programang ‘yun at marami ang natutuwa dahil panatag ang kanilang kalooban na walang taong masasaktan sa pamamagitan ng salita o mapahiya o mainsulto sa harap ng publiko at nang buong mundo. Noong isang araw lang ay nanatili sa rating ang Wowowee at hindi naman ito bumagsak o tumaas.

Ngunit ang nakakaloka ngayon ay medyo marami ang hindi nagkakagusto sa isang tao sa Wowowee dahil hindi pa siya sanay sa mga programang wholesome kahit may komedya ngunit walang bastusan. Itong si komedyante ay parang palakang bato na lang ‘pag nasa gitna ng entablado dahil halos hindi na makapagsalita. Ang halos lumalabas kasi sa kanyang bibig ay puro kabalahuraan.Ibig sabihin, pang-komedy bar lang siya. Hindi siya dapat sa mga ganyang programa kaya nauungusan siya ni Pokwang. Hindi siya makabuwelta dahil ‘pag nagkamali siya ng isang salita, tiyak ikagagalit sa kanyang ng mga tao. Hindi na kailangang i-memorize ‘yan dahil kaibigan ko ito at alam kong kilala n’yo ito.Tsk. Tsk.Tsk. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Magaling na actress, nangharbat ng libreng CD

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Aiko Melendez at Ara Minda, pinagsasabong – Tita Swarding

  1. hey tita swarding, napanood mo na ba sa you tube kung paano binastos ni mayabang willie si charissesa lake tahoe at saka nag flop ang show nya. nilangaw tingnan mo sa first part and part 6 sa you tube. kokonti ang tao kaya kung pwede mong pagsabihan si cristy fermin na wag nang himurin ang pwet ni willie. salamat at mabuhay ka dahil katotohan ang inilalabas mo sa column mo. more power to you

Leave a Reply

Your email address will not be published.