Aiko Melendez advises Cristine Reyes not to be ashamed of the former

 

HINDI NGA NAKATAPAK sa Munisipyo ng San Miguel, Bulacan ang idineklarang ‘persona non grata’ sa nasabing bayan na si Aiko Melendez.

Nag-taping siya sa bago niyang soap na sinasalangan sa ABS-CBN, ang Reputasyon, kung saan magkasama sila ni Cristine Reyes. Sa isang medical clinic sa nasabing bayan kasi ang location ng kanilang taping.

Nakakagaan-gaan naman daw kay Aiko ngayon ang pagiging abala uli sa trabaho kaya naman natutuwa siya when she reports on the set.

At dahil maganda ang nagiging day-to-day na pagsasama nila ng kapatid ng kanyang naka-alitang si Ara Mina, mukhang hindi magtatagal and they will finally smoke the peace pipe, sabi nga.

According to Aiko, she appreciates Cristine’s being nice and mabait at magalang.

“Sa story con pa lang namin, sinabi ko sa kanyang huwag nang mahiya sa akin. And sa taping, sabay naming pinapanood sa monitor ‘yung mga eksena namin. Wala na akong dapat na maging galit. Life is too short. Nag-mature na ako in so many ways. Kung may mga sumusulpot pa ring mga problema along the way, harapin at tanggaping kasama ‘yun sa mga challenges in life.”

 

DAHIL NAWIWILI NA ngayon ang better-half ni Dr. Manny Calayan na si Dra. Pie sa pamamalagi sa Amerika, marami ang naiintriga at maya’t maya ngang nababalitang malamang na totoo na ang mga balitang ‘di mamatay-matay na hiwalay na sila.

Nagbukas sila kasi ng klinika sa Beverly Hills area kaya naman mas madalas na doon na mag-stay si Dra. Pie at doon na rin nila pinag-aral ang kanilang mga anak.

At ang dahilan pa nga raw ni Dra. Pie kung bakit mas nawiwili siya dun eh, dahil nga walang intriga. Pero ‘yun pala dito sa ‘Pinas hindi matitigil ang intriga sa kanila.

“Mas nag-e-enjoy kasi si Doc sa ‘Pinas dahil sa showbiz. Ako naman, apart from being busy sa clinic namin, I personally attend to the three kids. Nag-aaral na sa UCLA ‘yung panganay namin at ‘yung dalawa eh, nasa private school. Nakikita ko rin na mas gusto rin ng mga bata ang environment nila here kasi, they are getting good grades in school. Na siyempre, pabor sa aming mga magulang.”

Bukod daw roon, kailangang maging hands-on siya sa kanilang clinic doon.

Samantala, may gusto namang ipaalam ang kabiyak ng puso niyang si Dr. Manny sa isa sa mga naging tao nila in their Calayan US branch ang dating operations manager nito na si Aida Arceo eh, hindi na raw kunektado sa kanila. Kaya naman kung sinuman daw ang makatransaksyon nito na ginagamit ang pangalan ng kanilang klinika eh, wala na raw kinalaman dito ang Calayan.

 

FINALLY! MATAPOS NA dalawang gabing namuti ang mga mata niya sa paghihintay sa isine-set sa kanyang meeting ng Bataan Governor na si Teri Onor, para palitan ang mga tseke nitong tumalbog bilang kabayaran sa limang mamahaling relong binili nito kay Lito ‘Techno’ Maningas, nagpakita na rin si Teri sa nasabing dealer ng nasabing mga relo.

Napag-usapan at nabalita kasi ang diumano’y pagtatago ni Teri mula sa kinunan niya ng mga relo. Pero nang usisain ko naman si Teri about it, sinabi naman niyang nagte-text siya kay Lito.

Nang itinanong ko ‘yun kay Lito eh, itinanggi nito na sumasagot sa mga tawag at text niya si Teri.

Noong second week ng March daw binili ni Teri ang limang relo. Nagbayad ng tseke. Kaso, closed account na pala ito kaya hindi tinanggap ng bangko ang bayad niya for Lito. Call ang Lito.

Sinabi ni Teri na papalitan niya ang tseke. Pero umabot nga ito sa buwang ito kaya nabahala na si Lito. Dahil nalaman na ito ng Boss niya na kinukuhanan niya ng mga ibinebenta niyang relo.

Ang dasal lang ni Lito ngayon, sana eh, hindi na uli tumalbog ang mga   tsekeng  finally  nga   eh,     ibinigay na sa kanya uli ni Teri bilang kabayaran.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

2 thoughts on “Aiko Melendez advises Cristine Reyes not to be ashamed of the former

  1. oo nga ARA MINA move on… dont be jealous of anyone,..,., i mean malas ka lang siguro this year since last year sa elections… punta ka tv 5 malay mo

  2. ay naku ang tgal ng alitan nyan nina aiko at ara mina… Si ara lang naman ang may bitterness,ayaw mag move on…laos na ksi kaya pati teleserye ng kapatid ginagamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.