Aide ni Abra Gov. Bersamin, pinatay

BANGUED, ABRA – NASAWI ang aide ni Abra Governor Eustaquio Bersamin makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa lalawigan ng Abra.

Kinilala itong si Boy Aquino, dating miyembro ng Philippine Constabulary at aide ng gobernador simula noong 2007.

Batay sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-5 ng hapon noong Sabado sa Zone 5 sa Bangued.

Nabatid na naglalaro ng Mahjong ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang pagbabarilin ng dalawang salarin.

Iniimbestigahan na ng Task Force Abra ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.