Ai-ai, namatayan ng bunsong anak!

ANG AMING TAOS-PUSONG pakikiramay sa aming Kumareng Ai-Ai delas Alas. Namatayan siya ng “anak.” Ng bagong anak. Ang pang-apat niyang anak.

Maging ang tatlong anak niyang sina Sophia, Niccolo at Sancho Vito ay na-shock din. Ang buong akala nila ay may pang-apat na silang kapatid.

No, hindi nagbuntis si Ai-Ai. Nag-adopt siya. Hindi niya kilala ang parents. Normal naman daw nu’ng ipinagbubuntis ‘yung bata. Kaso, hindi yata dumaan sa monthly check up ‘yung buntis, kaya hindi nila nalaman agad na nakapulupot sa leeg ang umbilical cord nu’ng bata.
Bago pa nailabas ang bata, tumayo pa ang nanay sa operating room, kaya nahigit ‘yung umbilical cord at parang nabigti pa ‘yung bata bago ilabas, kaya nahirapan itong mailabas.

Excited pa naman si Ai-Ai na ipinost bilang kanyang status sa Facebook ang pagdating ng 4 lbs. na si Sierra Destiny, subalit sa kasamaang-palad, binawian na ito ng buhay.

“Pina-cremate na kanina (Sunday, kahapon), mare, at ilalagak na namin sa Columbary,” sey ni Ai-Ai.

Sabi namin kay Mareng Ai-Ai, “Mahal ka ng Diyos, mare. Kasi, hindi ka na Niya pinahirapan, pati ang bata. Malay mo, ang magbibigay sa ‘yo ng Angel next time ay ang anak mo nang si Sancho, ‘di ba? At least, apo mo pa!”

“Oo nga, eh. ‘Yun na lang siguro ang hihintayin ko!”
Tinanong naman namin si Sancho, “’Yun din ang sabi ko kay mama, ‘yun na lang ang hintayin niya. Pero matagal pa ‘yon!”

HINDI PA NALALAGYAN ng special effects ang mga natapos nang eksena sa Petrang Kabayo ay nakakatawa na ang mga eksena, according to the executive producer na si Hermie Go ng Viva Films.

“Ipadadala pa ‘yan sa Hong Kong para mas bongga ang effects. Gusto ni Boss Vic, since launching movie ni Vice Ganda ‘yan, eh, bonggang-bongga.

“Mahusay talaga sa comedy ang bakla, ‘Day! At may mga input ang lola mo, kaya lalong nakakatawa ang movie. Kahit si Direk Wenn Deramas. Nag-e-enjoy lang habang ginagawa ang movie!”
Kung hindi mababago ang unang plano, sa September 22 na ang playdate nito. “Kinakabahan na ‘ko, mama!” sey ni Vice.
May kaba factor talaga?

TINANONG KAMI NG aming friend na si Cecilia Gokongwey kung sino ang direktor ng last episode ng drama series ni Claudine Barretto sa GMA-7.
“Mare, hindi ako nanonood, eh. Why?”  tanong namin dito.

“Juice ko, walang kuwenta ‘yung direktor, hindi maganda ang kabuuan. Ang bago lang eh, for the first time, nakita sina Claudine at Mark. Ni hindi niya napiga si Claudine.”

“Pasensiya ka na, mare. Wala ako sa house, hindi ko talaga napanood.”

Mahirap humusga, lalo na kung hindi naman namin napanood, ‘di ba? Kaya sinulat na lang namin at mag-aabang na lang kami ng sagot mula sa GMA-7.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa in-yong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Francis Simeon, Rommel Placente at Ms. F.
‘Yan ay kung type n’yo lang maaliw, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Ai-ai, namatayan ng bunsong anak!

  1. bukod sa wlang sense ang mga story ng script, and dry pang umarte ni claudine. asan na ang dating claudine.. boring na nga ang istorya, boring pang umarte… hay palitan na lahat yan, from writers, directors and actors..

  2. palitan na ang mga writers ng mga drama series sa GMA. wlang lalim ang kwento, masyadong common. ang bagal pa ng pacing ng story.. ano ba iyan parang di man lang pinag hahandaan.

  3. Haha sabi ko na magwawagi si Melai. Kawawang claudine. Wala na tlgang kinang. Kalebel na nya si kris bernal sa kasikatan.

  4. I watched Claudine pero di ko rin tinapos..para kasing school play lang! hays Nasayang si Claudine! parang naging baduy na rin sya! Di nman sa maka channe 2 ako pero if abs ang gumwa ng reunion tv show or movie nila tyak bongga ang dating!

  5. Ilan beses akong nanood ng Claudine at ang masasabi ko lang ay wala talagang kakwenta-kwenta ang drama ni Claudine kaya hindi ko magawang tapusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.