Ai ai harasses Piolo Pascual on Pop Icon concert

“ANG SARAP NAMAN, puro santol ang nakapa ko, ang laki!” Ito ang umalingawngaw na sabi ni Ai-Ai de las Alas matapos niyang dakmain ang harapan ni Piolo Pascual habang pababa siya ng stage sa concert ng Pop Icons nu’ng Sabado sa Araneta Coliseum.

Sa production number nina Piolo, Erik Santos at Christian Bautista sa awiting Beautiful Girl, kanya-kanya silang kuha ng babaeng kakantahan nila sa stage at isa nga si Ms A roon.
Habang kumakanta si Piolo, bigla siyang dinakma ni Ai-Ai na ikinagulat ng singer/actor hanggang sa nawala siya sa ulirat at tumalikod na lang at sabay-hingi ng dispensa dahil nga nagulat daw siya.

Kaya ang 70% na taong nanood sa big dome, talagang sigawan to the max sa ginawa ng Comedy Concert Queen, e, prim and proper pa naman that night si Piolo.

BEWARE OF FAKE concert tickets na nabibili sa malls dahil kasalukuyang pinag-aaralan ngayon ng Legal department ng ABS-CBN ang kaso laban sa isang mall kung saan nakahuli ang staff ng Dos ng ibinebentang pekeng ticket ng musical comedy na Poohkwang na may repeat sa Music Museum this coming May.

Kuwento sa amin mismo ng taga-Dos, “kung may kakilala kang mahilig bumili ng tickets ng mga show o concert, sabihin mo, sa mismong ticketnet na lang bumili o walk-in na lang, kasi ‘yung ibinebentang tickets sa (name ng mall), nakakuha ng fake tickets.

“Hayun in-endorse na sa Legal at pinag-aaralan na kung anong ikakaso. Grabe, kopyang-kopya ‘yung original, hindi mo nga mapapansin kaagad kung fake o hindi, eh. May tsinek lang kaya nalamang fake, kakaloka,”.

Kaya pala ‘yung ibinibigay sa entertainment press para sa shows, may malaking tatak na ‘complimentary’ para hindi ma-ibenta ng scalpers at para ma-monitor ang peke at hindi.

GAANO KATOTOONG nagkaroon ng emergency meeting ang writers ng seryeng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil ‘nabalian’ na raw sila ng katapat nilang programang Tayong Dalawa nina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca.

Kuwento mismo sa amin ng ka-tsika naming executive ng GMA-7, “nagpatawag ng meeting ang writers ng Hinugot last week. Paano hindi na nanalo sa Tayong Dalawa sa national ratings, ang baba pa ng pilot. Hayun, pag-uusapan kung kailangang may baguhin sa script.”
“E, maski rin naman ako, mas papanoorin ko ang Tayong Dalawa kaysa sa Tadyang, nakakasawa na sina Dingdong (Dantes) at Marian (Rivera),” dagdag pa ng kausap namin.

NALOKA ANG ILANG advertisers na dumalo sa trade launch ng ABS-CBN na ginanap sa Rockwell Tent nu’ng Huwebes nang gabi dahil nakita nilang sinundo ni Oyo Boy Sotto si Kristine Hermosa nu’ng umalis na ng venue.

“Nakakagulat lang kasi nu’ng i-present ang seryeng Dahil May Isang Ikaw, sweet sina Jericho (Rosales) at Kristine sa stage hanggang sa lamesa, panay ang tsikahan nila kaya nga tinutukso sila, eh. Bagay naman talaga silang dalawa,” kuwento sa amin ng mga nakakita.
Sabagay, sinabi naman ni Echo na best of friends sila ngayon ng ex-girlfriend niya dahil ayaw nga raw niyang makasakit ng damdamin ng ibang tao.

Anyway, kailan naman kaya sasagutin ni Kristine si Oyo na ilang taon na ring naghihintay sa kanya?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.